Chapter Chapter Fifteen — tired of waiting
Author's Note: this will be the last chapter. After this, Epilogue na ang ipa-publish. Thank you for reading The Sweet Submissive Softie Series #2: Dominant Passion! If you haven't, please read my other stories. I mentioned the other character's names here. Check my profile to read their stories.
Three years later.
"That's right Aurenne! You did great!"
Malapad ang aking ngiti sa labi habang pinapalakpakan ko ang anak ko. Malapad din ang kanyang ngiti sa akin. Binuksan ko ang aking dalawang braso para salubungin siya ng yakap.
"Do you think they like me, mom?" She asked while innocently looking at me.
Sunod-sunod agad ang tango ko habang inaayos ko ang buhok niya. "Oo naman! Why wouldn't they?"
Nasa isang shoot kami para sa isang children clothing brand. Model si Aurenne.
Hindi ko siya pinilit maging model. Noong nakita niya ang mga pictures ko ay sinabi niyang gusto niya ring subukan. Ngayong lumaki na siya, nagustuhan niya na rin ang pagpipicture.
"Where do you want to go?" Nakangiting tanong ko habang buhat ko siya. Nakakapit ang kanyang mga kamay sa aking leeg habang nakatingin siya sa harapan. "Tell me what do you want. Ice cream? Spaghetti? Fried chicken? Burger? Name it baby," gigil kong hinalikan ang kanyang leeg dahil sa sarap nitong amuyin.
"I want burger!" Tinaas niya ang kanyang kamay, senyales na excited na siya.
Mas lalong lumapad ang aking ngiti sa labi. Parehas talaga kaming dalawa, mahilig sa burger.
Dinala ko siya sa park para roon kami kumain ng burger. Iyon kasi ang paborito niya, eh. Ay hindi pala, dahil hindi siya kumakain ng ibang burger kung hindi burger lang sa park na ito.
"What do you want?" Pinakita ko sa kanya ang menu. Tinuro naman agad niya ang maraming cheese at hamburger. "With vegetables?" Agad naman siyang umiling sa akin.
Habang ino-order ko ito ay napansin kong napatingin siya sa mga batang naglalaro.
She wants to play.
Nawala ang aking ngiti sa labi. Dahil kasi sa sakit niya sa puso, bawal siya sa mga outdoor activities. Bawal siyang mapagod kaya hindi ko siya pwedeng hayaan na maglaro kahit na dinudurog ako kapag tumitingin siya sa mga bata. Kahit hindi siya nagsasalita, alam kong gusto niya rin maglaro. Ayaw niya lang ipilit sa akin dahil alam niya na ang magiging sagot ko.
"Ito po," nalipat ang tingin ko roon sa vendor.
Inabot niya sa akin ang plastic at inabot ko naman sa kanya ang pera. Ibinigay ko kay Aurenne ang burger pero hindi niya agad iyon pinansin. Pinapanood niya lang ang mga bata.
Hinalikan ko siya muli sa pisngi bago nagtanong. "Do you want to play?"
Nalipat ang kanyang tingin sa akin. Puno ito ng pag-asa pero hindi niya sinagot ang tanong ko. Sa tingin niya pa lang ay alam ko na ang sagot.
"You'll play for five minutes only!" Pagpapaalala ko sa kanya na tinanguan ko naman.
Nanlalaki ang mga mata niya. Sa buong buhay niya ay ngayon ko lang siya pinayagan na maglaro kasama ng ibang bata. Pagkababa ko sa kanya ay naglakad na siya papunta sa mga bata. Bawal siyang tumakbo dahil hindi pa napapalitan ang puso niya.
"Be careful!" Paalala ko pa pero hinabol ko rin siya.
Dala-dala ko ang plastic ng burgers habang nakatingin sa kanya. Tuwang tuwa ang bata noong makita siya dahil nakita raw nila ang anak ko sa billboards sa labas.
Ngiting ngiti si Aurenne habang nakikipaglaro sa kanila. Nang magtama ang mga mata namin ay hindi lang mata niya ang nakita ko, pati ang mata ng ama niyang kahit kailan ay hindi na kami binalikan pa. Puno ng tuwa ang matang ito. "Thank you mommy!" Niyakap niya ako, hindi pa umaabot ang limang minuto.
Buong araw ay iyon ang pinag-uusapan naming dalawa ni Aurenne. Tuwang tuwa talaga siya.
"Best day ever!" Hinalikan niya ako sa pisngi kaya lumapad ang aking ngiti.
Nang dumating ako sa bahay ni mama ay nagmano agad si Aurenne sa kanyang lolo at lola. Tuwang tuwa naman ang mga magulang ko dahil bibo ang bata.
"Grandma! Grandpa! Mano!" Excited na sabi ni Aurenne.
"Aurenne ko!" Binuhat ni papa ang bata. "Buti maaga ang uwi niyo. Kumain na ba kayo?"
Tumango kaming dalawa ni Aurenne.
"Yes po! Mommy let me play today and it was the best day of my life!" Mahigpit niyang niyakap si papa na tuwang tuwa sa anak ko.
Kumain kami sa bahay nina mama at papa. Ngayon kasi ay umuuwi na ako sa condo dahil malapit lang doon ang studio para sa photoshoots.
Noong araw na 'yon ay iniwan ko si Aurenne kila mama para pumunta sa Ospital nang mag-isa. Mag-uusap kami ngayon ng doktor.
Sa tatlong taon na buhay ni Aurenne, pinakamalala iyong pinanganak siya dahil doon naging kumplikado ang lahat. Pasasalamat ko lang at nagkaroon ng himala at kasama ko pa rin ang anak ko pagkatapos ng nangyari.
May diyos talaga. Nakikinig siya sa mga dasal ko. Pero para mapanatiling maayos ang anak ko, kailangan ko pa ring bumili ng gamot at magbayad para sa check ups.
Ang sabi sa akin ng doktor, magiging maayos din daw si Aurenne lalo na kapag napalitan na ang puso niya next year. Kinakabahan ako sa sinabi niya dahil 65% na delikado raw ito dahil bata pa ang anak ko. Pagkalabas ko ng Ospital ay bumungad sa akin ang isang tarpaulin. Nanliit ang mga mata ko nang makita ko ang isang pamilyar na pangalan.
Dr. Brelenn Timothy Raedwald
Nalaglag ang panga ko sa nabasa. Doctor?!
Ang nakalagay sa taas ay welcome lamang at walang iba pang salita. Sa baba noon, nakalagay ang mga pangalan kung saan ko nakita ang pangalan ng hinayupak.
Inis kong nilisan ang Ospital. Ano naman kung buhay pa ang punyetang iyon? Wala akong paki sa kanya! Kung buhay siya ngayon ay paniguradong may asawa't anak na iyon! Iniwan ba naman kami?
Lumabas ako papuntang botika para naman bumili ng gamot ni papa. Nakalista iyon sa isang papel na nireseta ng doktor. Habang bumibili ako roon ay iyong mga babaeng pharmacist sa likod ay nag-uusap. "Narinig mo ba ang balita? Dadating na raw ang mga fafang doctor mula sa France!" Hinampas nito ang kanyang katabi.
"Ingay niyo," komento noong naghahanap sa gamot na bibilhin ko.
"Hindi ba? Ang gu-gwapo talaga pag galing ibang bansa. Buti na lang at pumupunta sila rito sa Pilipinas. Hindi sila mukhang doctor, mukha silang model! Bakit hindi manlang sila magmukhang haggard?" Sabi noong isa pa. "Ano naman? Feeling mo naman papatulan tayo ng mga iyon," sagot ulit noong kumuha sa gamot ni papa.
"Ano ba, Monica! Ang kill joy mo na nga, ang harsh mo pa magsalita!" Inis na sabi noon. "Palibhasa kasi maganda ka kaya wala kang paki. Ngayong sinabi mo na baka hindi ka nila patulan, paano naman kami nitong si Ella na puro delusyon? Hayaan mo kami!"
"Bahala kayo sa buhay niyo," bumuntong hininga si Monica. "Ma'am, ito na po. Three hundred twenty two pesos po."
Tumango ako at ibinigay ang buong limang daan.
Nang makaalis ako roon ay napaisip ako. Ang tinutukoy ba nilang mga doktor ay ang mga doktor na papunta rito mula sa France? Hindi ko alam. Hindi ko maiwasang makichismis. Wala naman akong paki talaga! Sumakay agad ako ng pedicab papunta sa bahay. Nadadaanan ko pa ang isang malaking billboard ng anak ko kaya hindi ko mapigilang mapangiti. Proud na proud talaga ako kay Aurenne.
Siguro, kapag nakita iyan ng ama niya ay magugulat iyon. Oha? Binuhay ko 'yan ng wala ka! Natawa tuloy ako sa sariling iniisip.
Palaki na nang palaki si Aurenne. Minsan ay nagtatanong siya sa akin kung nasaan ang kanyang ama. Ang sinasabi ko, umalis. Pero ano na lang ang sasabihin ko pag mas lalong lumaki si Aurenne? Hindi na siya maniniwala sa mga kasinungalingan ko.
"Saan po tayo ma'am?" Tanong nung driver.
"Sa Alcántara po." Mabilis na sagot ko. "Doon lang po sa tumana. Huwag na po kayong pumasok sa loob." Paalala ko pa na tinanguan naman noong driver.
Ang lamig lamig ng hangin kahit tanghali na.
Nadadaanan ko rin ang mga dating pinuntahan namin noon ni Brelenn bago siya umalis. Para palitan ang masakit na ala ala, dinadala ko rin ang anak naming si Aurenne doon pero ngayon, alam kong nakikipaglokohan lang ako sa sarili ko. Alam ko namang may kaunti pang pag-asa sa puso ko.
But I'm tired of waiting for him.
I don't wait for him anymore, I just live my life. That's when I found out how can I be happy again even just for a bit. Even there's a big hole inside my heart. It's because of him. He's the cause of this heart ache.
Hindi ko alam ang nangyari sa kanya noong mga nakaraang taon pero lubha niya akong sinaktan pati na rin ang anak namin dahil sa ginawa niya. Hindi siya gumawa ng paraan para manlang kausapin ako. "Ma'am, nandito na po tayo."
Ngumiti ako at kinuha na ang wallet para kumuha ng pera roon. Pagkalabas na pagkalabas ko ay natanaw ko si mamang taranta at namumutla.
Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niya akong hinila papasok sa loob ng bahay. "Bakit po ma?" Kinakabahang tanong ko.
"Ang anak mo, Jarell! Si Aurenne, nawalan ng malay!" Naiiyak niyang sabi.