Dominant Passion

Chapter Chapter Four: What’s wrong with me?



Padabog kong tinapon sa higaan ang sling bag ko. Umupo ako sa dulo ng kama at napatakip sa mukha. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko malaman kung saan pumunta si Brelenn. Where on earth did you go, Brelenn Timothy?

I tried calling him several times but he never answered. I searched for him everywhere but he was nowhere to be found. Did he leave me? What the hell made him leave? Is it because of the dinner with Carla and Naythen? I'm so confused. I tried calling him again. I told myself it was the last time. I took a deep breath and dialed his number. To my surprise, he answered. [What?] He asked.

"Where are you?" I questioned him.

[Why? Do you need---]

"Where the hell did you go, Raedwald?" Bulyaw ko sa kanya. Sa loob loob ko ay nakahinga ako nang maluwag. Gabi na kasi at baka kung saan siya mag punta. "Pupuntahan kita," inilapit ko agad sa paanan ko ang pares ng tsinelas para makalabas.

[Don't. I'll come back now.]

"Nasaan ka nga kasi?"

I heard him sigh on the other line. [I'm at the beach. Behind the coconut tree. Pinakamalapit.]

Tumakbo agad ako palabas para hanapin siya. Dinala ko ang cellphone ko para gamitin iyon bilang flashlight. Nang makita ko ang nag-iisang coconut tree na pinakamalapit.

"Hey," I called him. He immediately looked at me. "What are you doing here?" I sat beside him since it still has space. He's sitting on a big rock. He's started looking at the boat. "Are you mad at me?"

"Huh? Why would I be mad at you?" I blinked twice while looking at him.

"Because what I did earlier was disrespectful. I apologize for what I did and for leaving you there. I just want to be alone for a while..." He sighed. "I'm sorry, Jani," he looked back at me.

I smiled and pat his head. "It's fine. I feel uncomfortable too. Besides, Naythen is the one who left there. It's not your fault that you want space but you should've called me. I was so worried." He glanced at the boat. Maybe that's the boat for the guests. I know we would have one tomorrow since we'll be catching fish.

"What are you planning to do?" I asked him. I just knew he was planning something. I know that look of him.

"It's so boring here,"

"Yeah right. So what are you planning to do, Raedwald?" I asked again, refusing to change the topic.

His brows furrowed. "Why are you always calling me by my last name?" He lifted his right brow. The one with a scar. "You like my last name that much?"

"Yes. I wish I have your last name. It's so cool." I chuckled.

"Do you want it?"

"What? You'll give it to me?" I joked, laughing.

I saw him stifling a smile. "If you want," he looked away. "You can have it. Let's use it together."

Nag init ang buong mukha ko sa sinabi niya. Pabiro ko siyang sinampal sa balikat niya dahil sa sinabi niya. Para bang hindi siya nagbibiro. Ah basta! Ayaw kong maging asyumera. "Why are you smiling?" I asked him. "I thought you really mean it. I just can't tell if you're joking or not."

He shook his head while laughing.

"Do you want to have fun tonight?" He asked after a few minutes.

"That sounds great," I answered immediately and smiled. "Don't tell me you'll use that boat?" I widened my eyes to tell him what he was thinking is a bad idea.

I said it sounds great but I'm regretting it now!

He smiled smugly. "Nice guess,"

Nilahad niya ang isang kamay niya sa akin. Atubili akong ibigay ang kamay ko pero hindi pa ako nakakapagdesisyon ay hinila na niya agad ako.

Naka sunod ako sa kanya at para kaming batang tumatakbo. Tawa kami nang tawa dahil muntikan na kaming matalisod dahil sa tsinelas naming sumasabit sa mga bato.

Nang mapagod kaming dalawa ay kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na. Halos lumuwa na ang mata ko nang makita ko kung anong oras na. "12:32 AM?!" Bulaslas ko.

"What? You didn't know?" He looked at me as if he was not surprised. "You should've checked the time before finding me. Did you miss me that much that you even forgot what time is it?" He chuckled. I glared at him. That's the truth though...

"Inaantok ka na ba?" He asked me.

"No, hindi nga ako makatulog, eh," sagot ko agad sa kanya.

Ayaw kong mahiwalay sa kanya lalo na't nagkalat ang mga masasamang damo rito sa isla. Kahit pumunta pa siya sa impyerno ay sasamahan ko siya. Huwag lang akong maiwan sa impyernong 'to.

"Do you have any idea what I'm thinking right now, sweetheart?" He's smirking while looking at the boat. He looked back at me when I didn't answer. "Let's go somewhere. We'll go back here tomorrow. We won't have this chance again... maraming darating bukas."

Alam talaga ng Hudas na 'to kung anong makakapagpapayag sa akin eh.

Hilaw ko siyang nginitian. "Let's go then. Saan ba tayo pupunta?"

Hinila niya ulit ang kamay ko para patakbo kaming pumunta sa isang bangka. Iyong bangka lang na 'yon ang nakahiwalay sa lima pang bangka na nasa 'di kalayuan. Baka nakahiwalay dahil may gumamit din kanina.

Pasimple naming tinungo 'yon at agad na tinaas ang buya para makaupo kami agad. Hindi naman kami magnanakaw.

Tahimik lang kami ni Brelenn habang nakasakay kami sa bangka.

We're savoring the peaceful wind... and the sound of crickets chirping. The sound of waves. It relaxed my ears.

"Malayo ba 'yung pupuntahan natin? Baka maligaw pa tayo, eh..."

"I've been here before... I think we're close."

"Hala? Akala ko ba hindi ka pa nakakapunta sa ibang bansa before ako dumating sa buhay mo?"

"Yeah... Before,"

Ilang minuto ang lumipas bago kami bumaba sa isa pang isla. Puno ng mga can ng soft drink ang islang 'yon at nakabaon pa sa putting puti na buhangin. He's just staring at me while he's guiding me to step on the sand of the island. "Sigurado ka bang walang tao rito? Or pating? Baka naman kasi may mangyari sa ating dalawa," I sighed.

I saw how his expression changed. I'm not sure, hindi ko mawari kasi walang ilaw rito. Pilit kong inisip ang dahilan no'n. Nang narealize ko na ay pakiramdam ko pati ulo ko ay sasabog na sa sobrang hiya.

"I mean, negative," paliwanag ko agad at pekeng umubo. I sound defensive. I don't have any meanings behind that!

He laughed. "What?" Brelenn teased.

I glared at him.

Tumingin siya sa taas kaya tumingin din ako roon. His eyes were sparkling. My eyes widened when I see the stars from here. It's so beautiful.

"Hala, ang ganda naman!" Sigaw ko. Wala naman sigurong makakarinig sa amin dito.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at pinicturan iyon. Nang tingnan ko na 'yung picture mula sa photos ko ay nahagip noon ang mukha ni Brelenn na umiilaw ang mata dahil sa light na nanggagaling sa phone. Nakatingin siya sa akin at nakangiti.

Nakakainis, kahit na blurred ang picture ay ang gwapo pa rin niya! Napakaswerte talaga ng lahi ng nilalang na 'to, eh.

Palahi naman po, lods.

Natawa ako na parang baliw dahil sa sinabi ng ibang bahagi ng utak ko. Nababaliw na talaga ako.

Napatingin tuloy sa akin si Brelenn. "What's funny?" He asked.

"Wala, sabi ko ang gwapo mo,"

He smirked and looked back at the stars. "You don't need to remind me that."

I rolled my eyes and laughed.

Humiga ako roon sa buhanginan para makita ko 'yon nang maayos. Tumabi naman siya sa akin at humiga na rin siya.

Tuwang tuwa ako dahil ngayon lang ulit ako nakakita nung ganito. The last time I saw stars like this, 'yung stargazing lang namin nung grade 8 kami ni Brelenn.

"Kung alam ko lang na magiging ganyan ka kasaya pag nakakakita ka ng bitwin..." binalik niya ang tingin niya sa akin, "Sana lagi ko 'tong ginagawa," he smiled at me. Dug dug. Dug dug.

This is strange. Bakit ko ba 'to nararamdaman? Wala naman siguro akong gusto sa kanya, 'di ba? Wala akong gusto sa best friend ko.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya.

"I don't know... It just feels good to be here,"

Right. It feels good to be here.

"Sure ka wala na tayong gagawin?" Pagbibiro ko sabay tawa.

"Huh?" Taka siyang tumingin sa akin. Nag-iwas agad siya ng tingin nang dilaan ko ang labi ko. "Why is this so hard..."

"Anong mahirap?"

"Jeez." He sighed. "Should we go back?"

Umiling agad ako. "Bakit naman? Kararating lang natin dito oh! Bali wala 'yung pagkuha natin sa bangka kung aalis din tayo agad! Baka mamaya may makakita sa atin doon. Lago tayo." "Nagtatanong lang naman ako,"

Ngumiwi ako. Andami ko pa lang nasabi.

"Ano na lang mangyayari sa akin kung hindi kita nakilala?" I asked him out of the blue. I was still looking at the beautiful stars. "Kung wala ka, wala ako rito ngayon."

"You can do this without me... Maybe with someone."

I looked back at him. "I don't want anyone else to do this with except you."

He just looked at me. Tumikhim siya. "Inaantok na ako."

"Ako hindi,"

"Don't sleep if you don't want," lumayo siya at naglakad.

Dali dali naman akong tumayo para sundan siya. "Hoy! Ano ba! Ang boring! Kanina tinanong mo pa ako kung inaantok ako tapos matutulog lang tayo rito?!" Inis kong sigaw.

"What? Do you want to do something else?" Tanong niya nang tumingin siya sa akin saglit.

"Oo! Kahit ano! Basta ayaw kong matulog!"

Sunod sunod ang pag-ubo niya dahil sa sinabi ko. "Kahit ano?" Tumaas ang kilay niya habang nakangisi. Lumapit siya sa akin at hinila ang bewang ko palapit sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya! "Round two?"

"Hoy!" Tinulak ko siya palayo, namumula na. "Ikaw ah!"

Ganoon na lang ang lakas ng tawa ng walanghiya at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Trip na trip niya talaga 'yon!

Gusto mo naman.

Pinalis ko sa utak ko ang isiping 'yon. Puro talaga ako kahalayan. Nagkakasala na ako.

Pero gusto ko talaga...

"Brelenn," tawag ko sa kanya. "Gusto mo 'yon?"

"Ng ano?" Tanong niya at huminto sa paglalakad. "Round two?" He teased.

"Oo?"

"Huh?" Tanong niya agad pabalik. "Gusto mo talaga?" Gulat niyang tanong.

Tumango naman ako.

Ano bang pumasok sa isip ko?!

Natahimik kami saglit. We can only hear the crickets.

"What?" Tila hindi niya maproseso ang sinabi ko. "You're really... something." Umiling siya habang ngumingiti.

"Is that a mistake for you?" Biro ko sa kanya pero nag-iba agad ang ekspresyon niya.

May idudugtong sana ako roon pero napagdesisyonan kong 'wag na sabihin dahil mukhang gusto rin niya magsalita. Gusto ko rin malaman ang iniisip niya tungkol doon. "Ikaw? Is that a mistake for you?" Tumalikod siya at yumuko.

"No. Ginusto ko 'yon." Sagot ko agad. "Now, answer me. Ginusto mo rin ba 'yon? Is that a mistake for you, Raedwald?"

Tumaas ang ulo niya dahil sa sinabi ko pero hindi pa rin siya humaharap sa akin.

"Let's sleep," imbes na sagutin ako ay iyon ang sinabi niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

"Sagutin mo muna 'yon," pagpupumilit ko.

Frustrated siyang tumingin sa akin. Nang makita niya ang mga mata ko ay marahas siyang bumuntong hininga. "Why? Why do you want to know?"

"Gusto kong malaman kung ano ang iniisip mo. Sinabi ko sa 'yo 'yung feeling ko about that. Bakit hindi mo masagot?" Sinabayan ko ang tono niyang bahagyang tumaas.

"Let's sleep," ulit niya pa. Parang lasing ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hirap na hirap siyang tumingin.

"Brelenn!" Pagpupumilit ko pa.

"It's not a mistake for me! I liked it, okay?" Sigaw niya.

"W-Why are you raising your voice..."

Napasabunot siya sa buhok niya at dali-daling tumakbo papunta sa kung saan. Dahil madilim ay hindi ko makita kung saan siya dumaan. Hindi ko na siya sinundan dahil masama ang loob ko sa kanya. He liked it.

Nagulat ako nang biglang may likidong lumabas sa mga mata ko. Ni hindi ko nga napansin na umiiyak na pala ako habang nakatingin sa bituin ngayon na parang kanina lang ay tuwang tuwa akong tingnan. Hindi ko malaman ang nararamdaman ko.

"I'm so confused..."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.