Chapter Chapter Nine — Limits
Nakapila pa lang kami sa labas ng isang ice skating rink ni Brelenn ay tanaw na namin ang napakaraming tao sa labas. Malapit na rin kasing magpasko, mukhang nagbobonding na ang mga pamilya rito. Napapatingin ako sa mga batang napakagaganda ng porma. Nahiya ang damit kong dress lang na hindi pa tumugma ang kulay. "When's your next shoot?"
Nalipat ang tingin ko kay Brelenn. Mukhang kanina pa siya nakatingin sa akin samantalang ako ay pinagmamasdan ang mga taong kasama namin sa pila. Mukhang hindi kami makakapasok ngayon dahil pupunta pa kami mamaya sa isang park.
"Next week? I don't know," nagkibit balikat na lamang ako. "Do you think we can make it today one hour from now? If not let's skip this place and go to the park instead."
"Are you sure? I mean, isang oras na tayong nakapila rito. Ang tagal ng pinila natin tapos aalis tayo?"
"Ayaw mo?" Hamon ko sa kanya. Tinaasan ko pa siya ng kilay.
Agad naman siyang umiling kaya napangisi ako.
Nakatalikod ako nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa kamay ko. Pinagsiklop niya 'yon dahilan para mapatingin ako sa kamay naming dalawa. Nanguna siya sa paglalakad, tila sinasabing gusto niya na siya ang mauna. Patakbo kaming lumabas ni Brelenn sa mall nang magkahawak ang kamay. Ang mga tao naman ay pinagtitinginan kaming dalawa dahil sa mala telenobelang eksana na ginagawa namin sa harapan nila.
Hinahangin ang buhok kong nakalugay lang habang tumatakbo kami. Tawa kami nang tawa kapag nagtatama ang tingin naming dalawa. Pag tumitingin siya sa likuran niya kung nasaan ako, bigla bigla na lamang siyang tatawa. Hingal na hingal kaming dalawa pagkalabas. Para kaming mga batang naghabulan tapos napagod kaya gusto ng time freeze.
"Hell, that was tiring," natatawang sabi ni Brelenn habang nakahawak sa kanyang tuhod. Nang makita niya ang mukha ko ay may kinuha siya sa kanyang bulsa. Panyo iyon, pinunasan niya ang pawis ko. "Do you want to eat first?" Umiling ako at kumapit sa braso niya. "No, let's go to the park now."
Ngumiti siya at tumango. Nakahawak lang ako sa kanya habang naglalakad kaming dalawa.
Pumasok kami sa kanyang sasakyan. Medyo malayo kasi ang parkeng gusto naming puntahan. Noong bata kami, roon kami naglalaro ng taya-tayaan. It's been ages since we last went there.
Palapit na kami sa parke nang matanaw ko ang mga bata sa labas. Tuwang tuwa sila habang naglalaro ng habulan. Ang ngiti sa kanilang labi ay hindi maalis. Ganoon din kami noon, eh. Kay bilis talaga ng panahon... Ngayon kasi, iba na ang nilalaro naming dalawa ng kalaro ko noon.
Mariin akong napapikit nang maalala ko ang nangyari kagabi.
Lumabas siya para pagbuksan ako ng pinto. Hinawakan niya pa nga ang kamay ko para tulungan akong makalabas.
"I missed this place..." Napangiti ako habang sinusuyod ko ng tingin ang parke. Nagkaroon na ngayon ng mga slides, noon kasi ay wala pa niyan. Tanging duyan lang na gawa sa gulong ang pinagt-trip-an namin ni Brelenn. "Oo nga..." Pagsang-ayon nito. "Naaalala mo pa 'yung nanay at tatay roles natin noon? Nakakamiss." Tumawa siya.
Tumawa rin ako. "Ay oo! I remember that. You even named my doll Aurenne."
"Wow, I can't believe you still remembered that!" Gulat na sabi niya sa akin. "I actually got that name from my dream when I was eight. It became my favorite name since then."
"What dream?" Tinaasan ko siya ng kilay. "You dreamt about other girls then named my doll after her?" Inis na sabi ko sa kanya.
"Woah! Woah!" Napataas siya ng dalawang kamay habang tumatawa, parang umaakto na sumusuko siya. "It's not like that. Aurenne from my dream is an angel. She's a baby." Paliwanag niya.
"You expect me to believe that?" I rolled my eyes. Nauna na lang akong pumasok ng park na nakacross arms. Rinig ko ang yapak niya sa aking likuran senyales na siya ay nakasunod. Palihim akong napangiti rito.
Maya maya lamang ay naramdaman ko na ang yakap niya mula sa aking likod. Muntikan pa akong matisod sa gulat. Natampal ko tuloy siya habang ako'y tumatawa. Puro talaga siya kalokohan! Kahit sa publiko ay nilalandi niya ako! "Hoy! PDA!" Humalakhak ako habang mahinang tinatampal ang kanyang ulo na nakalusot sa gitna ng aking braso.
"I swear! That's an angel from my dream. She's a baby!" Depensa niya pa sa sarili.
"Okay fine!"
Tumayo siya. Nakahawak naman ngayon ang kanyang kamay sa aking bewang habang kami ay naglalakad. Pinagtitinginan kami ng ilang babae na palagay ko'y ina ng mga batang naglalaro rito. "Look! There's a place to eat!" Turo ni Brelenn doon sa isang stall na may beach theme.
"Ano 'yan? Baka buko juice na naman! Sawang sawa na ako roon! Kahit na milk tea pa 'yan o kahit anong related sa buko, pass na ako!"
"I don't think that's buko."
Lumayo siya saglit para tingnan iyon pero mabilis siyang bumalik sa akin. "Burger."
Nanlaki ang mga mata ko. Ang favorite kong burger! Hindi ko na siya, agad akong tumakbo papunta roon. Rinig ko pa ang tawa niya aa likod ko habang pinapanood niya ang reaksyon ko. He know damn well I love burgers!
Nang makapunta na ako sa harap non ay agas akong um-order ng tatlong pirasong burger. Isa kay Brelenn at dalawa sa akin. Hindi siya masyadong mahilig diyan, ewan ko ba! Dati naman ay gusto naming dalawa 'yan pero simula noong mapunta siya sa medical school ay hindi na siya gaanong kumakain ng burger.
Kinapa ko ang aking bulsa para kumuha ng pera. Nanlalaki ang mga mata ko nang marealize ko na naiwan ko 'yon sa bahay. Mariin na lang akong napapikit sa inis.
"Manong," tawag ko roon sa nagluluto. "Pa-cancel na lang po---"
"How much?" Tanong ni Brelenn tsaka walang pasabing hinampas ang isang libo sa lamesa. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Wala kang pera, 'no? That's good then." Kumindat pa siya. Nag-init ang pisngi ko sa hiya. He knew that I have nothing with me! He didn't even bother to tell me! Hays!
"Bakit hindi mo sinabi? Ayaw kong magpalibre sa 'yo!"
"What? I'm your boyfriend. I should be the one to provide for you." Simpleng sabi niya sa akin.
"You're my boyfriend but that doesn't me you should provide for me! Dapat pantay tayong dalawa! Ikaw na lang lagi ang nanlilibre, nakakahiya na." Hindi ko mapigilang mapanguso. Tumawa siya atsaka lumapit sa akin para halikan ang bunbunan ko. His eyes were amused.
"I'll provide for you," ngumiti siya. "You take care of yourself. That's what you have to do. I'll do the rest, okay?"
Tumango na lang ako. Para namang may magagawa ako kung siya na mismo ang nagsabi. Tss!
Nang maluto na ang burger ay tinanggap na ni Manong ang bayad niya. Susuklian sana siya nito pero napansin ko ang pasimpleng pagsenyas niya rito. Ano iyon? Hindi niya tatanggapin? "Hey!" Kinalabit ko siya. "What the hell? Why didn't you take the change?"
"That's a tip," aniya. "Minsan na nga lang sila makakuha ng tip. Why not?"
"But that's too much!" Protesta ko. Tiningnan ko si Manong. "How much is it po?"
"150 pesos po."
Sinamaan ko ng tingin si Brelenn. Para siyang nagtatae ng pera! Naiintindihan ko naman na minsan ay talagang nakatutuwang magbigay pero sobra sobra ang binibigay niya! Palibhasa ay may kalakihan ang kanyang kinikita.
"You can keep the change." Nginitian pa niya si Manong. Nanlalaki naman ang mga mata nito habang nakatingin sa buong isang libo na ibinigay niya. Nang makita niya ang reaksyon ko ay kunwari'y clueless pa siya. "What? Buo ang pera ko-- "Eight hundred fifty pesos, keep the change?!" Bulaslas ko. Nanlalaki pa ang butas ng ilong. Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili. Bahala na siya. Ginusto niya 'yan. "Whatever. Do what you want." Dumiretso ako sa mga duyan. Walang gaanong bata roon. Nandoon silang lahat sa seesaws at slides. Paborito ko pa naman ang mga duyan, buti na lang at walang masyadong bata kaya masusubukan ko ito ngayon. May isa pang bakanteng duyan sa tabi ng inuupuan ko kaya alam ko na agad kung sino ang umupo rito. Sa peripheral vision ko pa lang ay tanaw ko na ang suot nitong simpleng black tshirt at faded jeans.
Kumakain siya ng burger habang nakatingin sa akin.
Huwag ako! Hindi ako nate-tempt sa pagkain!
"Jani, do you want this?" Brelenn playfully asked. Inis ko siyang tiningnan kaya tumawa siya. "Chill baby, I'm just asking..." Tumayo siya at ibinigay sa akin ang burgers.
Kumunot ang noo ko nang makita ko ang laman nito. Paanong naging apat ang laman noon kung tatlo lang ang in-order ko? Iyong isa ay nasa bunganga pa ni Brelenn, iyon ang pang lima. "I bought another two,"
"Bakit? Gusto mo pa?" Tanong ko habang kumukuha ng isa sa plastic.
Tumawa siya. "Nope," sabay iling. "I bought another two because I know two burgers is not enough for you. You love burgers so much. You can even eat ten burgers and would still be hungry!" Gusto ko pa sanang magprotesta pero alam ko naman sa sarili ko na tama ang sinabi niya. Talagang malakas akong kumain lalo na pag burger.
Kumagat agad ako sa burger. Siya'y nakaupo habang nakahawak sa aking hita. Pinapanood niya lang akong kumain ng burger.
"Gusto ko ng ice cream," bumusangot ako.
"Dark chocolate, right?" Hindi na niya hinintay ang sagot ko at tumayo na para umalis pero hinawakan ko ang kamay niya.
"Naaalala mo si Annia? Iyong babaeng lagi mong kakampi pag agawan ng base ang laro! I hate her so much! Pinagkalat niya na bayaran daw ako at maraming gumagamit sa katawan ko! Pokpok daw ako?!" Galit kong sigaw. "What? Really?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo!" Inis kong sigaw. "I mean, totoo naman na maraming nakahawak sa akin pero hindi ako bayaran! Heh! Ako pa rin ang namimili kung sino ang gusto ko!" I crossed my arms. "At teka, Brelenn, kinakampihan mo siya?!" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi ah!"
"Anong sasabihin mo pag tinanong ka niya kung hate mo siya?"
"If my baby hates you, then I hate you too bitch!" Sigaw niya.
Humagalpak ako sa tawa.
Magkavibe talaga kaming dalawa. "Talaga lang ah!"
Tumango siya nang sunod sunod. "Should I go? I thought you want ice cream?"
"I'll go with you!" Ngumiti ako.
"No," umupo siya ulit sa harapan ko para magkapantay kami. "You stay here, lady. Wait for me. I'll be fast." Hinalikan niya ang aking pisngi bago muling tumayo at magsimulang maglakad palayo.
Pinanood ko na lamang ang mga naglalarong bata sa paligid habang kinakain ko ang burger ko. Tuwang tuwa sila. Iyong isang bata ay nakatingin sa akin na para bang gusto siyang manghingi pero ayaw niyang magsalita. Tanging mata niya lang ang nakikipag-usap sa akin. Nakita ko rin ang pagdila niya sa kanyang labi.
Lumapit ako sa kanya. Nakatayo kasi siya hindi kalayuan sa harapan ng duyan na inuupuan ko. "Hello, do you want some?"
Umiling agad siya pero nanatili ang tingin niya sa burger ko. Ngumiti ako at ginulo ang kanyang buhok. Kinuha ko ang burger sa plastic. Ibibigay ko sana iyon sa kanya nang biglang may tumulak sa akin. Napaupo ako sa sahig dahil dito. Ang
sakit!
Napahawak agad ako sa aking puwitan pero ang mata ko ay nasa aking harapan. Kabadong kabado ako dahil may isang tanong nababalot sa aking isipan. Buntis ba ako? Kasi kung oo, hindi maganda ito.
"Huwag mong hawakan ang anak ko! Kidnapper kang babae ka! Papakainin mo pa siya ng mga ganyan!" Sigaw sa akin noong babae. Galit na galit ang ekspresyon niya sa akin. Then I was back from now to 5 years ago.
"Ano ba?! Huwag mo ngang hawakan ang boyfriend ko! Malandi kang babae ka!"
Napuno ng takot ang aking ekspresyon. Binigyan ko ng nagtatanong na tingin si Aljon, boyfriend ko. Paanong naging boyfriend din siya ng babaeng nasa harapan ko ngayon? "M-Miss... Nagkakamali ka, w-wala akong alam sa sinasabi mo. Boyfriend ko si Aljon---"
Isang malakas na sampal ang natanggap ko.
"Tandaan mo 'yan, balang araw, maka-karma ka sa ginagawa mo! Malandi kang babae ka, pokpok!" Sigaw nito sa akin at galit akong iniwan habang nakaupo kasama ng basag basag na paso. And then there's the reality.
"Maka-karma ka rin sa ginagawa mo!" Sigaw noong babae sa akin.
Napapikit-pikit ako. Kung hindi ko ito ginawa, marahil hindi ko pa malalaman na tumulo na pala ang luha ko. Napatingin ako sa aking binti. Laking pasasalamat ko na lang na wala akong naramdaman na tumutulo sa aking binti. Tahimik na lang na tumulo ang luha ko habang pinagtitinginan ako ng mga tao, I'm helpless.
"Iyang babaeng 'yan, kidnapper! Sinubukan niyang kuhanin ang anak ko!" Sigaw pa ulit noong babae.
"Mama hindi po---" pinutol ng ina ang sinasabi ng anak niya. Matalim niya akong tiningnan.
"A-Ate, hindi po ako kidnapper... Gusto ko lang pong bigyan ng pagkain ang anak niyo," napahagulgol na lamang ako.
Hindi naman ako ganoong kababaw noon, anong nangyari't napapaiyak na ako ng mga simpleng bagay?
Nakita kong may tumatakbo palapit sa akin. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Brelenn habang hawak-hawak ang isang ice cream tub.
"What did they do to you?" Puno ng pag-aalala ang kanyang mata't boses. Pinunasan niya ang luhang naglalandas sa aking mga mata. Nang hindi ako sumagot ay niyakap niya ako. "Tell me what did they do, Jani..."
Humagulgol na lamang ako at napayakap sa kanya. Nakita kong natigilan siya nang marinig niya iyon. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tumayo para harapin ang babae.
"Hindi po ako pumapatol sa babae, pero sinaktan niyo po ang girlfriend ko at narinig kong pinaratangan niyo na pa na kidnapper siya, hindi po ba?" Kalmadong tanong niya rito. "Isa pa, nagt-trabaho ka bilang janitress ng kalapit school hindi ba?"
Doon nagbago ang mukha noong babae. "B-Bakit? Anong gagawin mo?"
Nakita kong may kinuha si Brelenn sa kanyang bulsa. Isang cellphone iyon.
"David Angelo," tawag niya sa pangalan ng kausap.
I heard gasps.
"Hindi ba't iyon ang tagapamahala ng school, Anita?" Tarantang tanong ng isang babae roon sa babaeng tumulak sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa mga t-shirts nila. Iyon nga ang school na malapit lang dito sa park. Doon siguro nalaman ni Brelenn na roon sila nagt-trabaho.
"Say it again," nakita ko ang pagpindot ni Brelenn sa screen. Palagay ko'y speaker ang pinindot niya.
"You're fired." Rinig kong sabi ng lalaki sa kabilang linya. "Tell them she's fired, Brelenn," ulit pa noon dito.
"You heard it right, yeah?" Seryoso silang tiningnan ng nobyo ko. "You're fired."
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata noong mga babae.
Hindi na nakapagsalita ang babaeng tumulak sa akin. Agad akong dinaluhan ni Brelenn para buhatin. Binuhat niya ako ng pa-bridal style papuntang kotse pero hindi pa kami nakakalayo ay napayakap na ako sa kanya habang humagulgol. "Hush, baby, It's okay now..." Hinimas niya ang aking buhok. "I'm sorry I left you there... I could've listened to you when you asked to go with me." Pinatakan niya ng sunod sunod na halik ang tenga't pisngi ko.
Umiling ako nang umiling. "W-Wala kang kasalanan..."
"I will never leave like that again," nagulat ako nang maramdaman ko ang mainit na likido sa aking likuran. Umiiyak siya. "I'm sorry for leaving you there, Jani... I'm really sorry."