Chapter Chapter Seven — Signs
"You are leaving." Sabi ko, hindi patanong.
Natahimik ito saglit bago napabuntong hininga. Seryoso niya akong tiningnan. "Look, Jani, I'm sorry I hid it from you... But I will tell you everything about it. I just can't seem to find the right time till now. I'm so sorry, baby..." "You and your sorrys." Umirap ako. "Why are you leaving? Is that a one way ticket?"
"No..."
Doon na nagseryoso ang mukha ko. "No?" Tanong ko. "So it's a one way ticket, you're not coming back? And you didn't tell me?" Magsisimula na naman kami sa pag-aaway.
"Jani, I wanted to tell you about it but we were always arguing so I can't find the right timing. In fact, I was about to tell you that after we left the airport but I became your boyfriend. I was so happy, I just want to enjoy the vibe a little more." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko sabay halik sa mga ito. "I will come back. I promise. I just need to stay there for a while. My father needs me there. He's sick." Bumuntong hininga ako. "What can I do, then?"
Sunod sunod ang kanyang pag-iling. "Wala kang dapat gawin. I'm really sorry I kept it a secret. I won't keep a secret again."
"Eh kailan kita makikita ulit?" Tanong ko. "Grabe, ngayon lang ulit ako nagkaroon ng seryosong relasyon tapos malalaman ko agad na iiwan pala ulit ako." Hindi makapaniwalang tanong ko at sarkastikong tumawa habang hinihilot ang akin sintido.
"Baby... It's not like that." Muli siyang bumuntong hininga marahil sa frustration. "My father needs me there and my mom wants me to study abroad for more opportunities. Dad's on critical condition, he's the only one who supports our family except me. If we don't take care of him and he dies, mom just wouldn't cry, we would crawl to muds. I just want you to trust me, okay? Trust me please, baby..." Masuyo niyang hinalikan ang aking pisngi.
Ganoon man ay wala akong magawa kundi pumayag. Ilang taon siyang mawawala.
"Kailan ka aalis?" Tanong ko sa kanya.
"Probably three weeks from now."
Mariin akong napapikit. It's so close. Kaunting oras na lang ang natitira sa aming dalawa para naman kahit papaano ay ma-enjoy namin ang natitira niyang araw dito sa Pilipinas. Natatakot ako na baka pagbalik niya ay hindi na ako dahil saglit lang kami nakapag-bonding sa relasyon namin.
"Baby..." He stared at my eyes as he caressed my cheeks. His eyes was sparkling like he was about to cry. "I will come back. Once I come back here, I promise you I'm no longer depending on anyone. I'm no longer a trash. I will marry you, Jarell. I promise that."
"Marry me? Eh wala pa nga tayong isang buwan sa relasyon natin." Sagot ko agad, hindi mapigilan ang aking sarili. Parang isang malaking biro sa akin na papakasalan niya pa ako matapos ang ilang taon naming long distance relationship samantalang kulang pa sa isang buwan ang natitirang oras namin.
"Don't underestimate my love for you, Jarell... I've loved you since we're just kids. I've loved you even the times you put the phlegm from your nose to my shirt. I've loved you even without makeup, I've loved you even you had a relationship and I need to keep the distance, I've loved you even it hurts me, Jarell. Please believe me. I will come back for you. I will be the better for you. I will be the best para hindi ka lugi sa akin. You are the best, Jani... And you deserve the best." Mahabang sabi niya.
Natulala na lamang ako. Nagyakapan kami noong araw na 'yon kahit na malungkot pa rin ako. Ni wala ngang bumabagsak na luha sa akin. Maaga akong nagising dahil naduduwal ako. Wala pa nga akong nakakain ay parang gusto ko nang isuka pati ang esophagus ko sa bowl.
"Putangina... Kaya nga hindi na ako umiinom para hindi na ako masuka ng ganito tapos magigising ako na wala pa akong kinakain, sukang suka na ako." Hinugasan ko ang nguso kong nababalot pa rin ng suka ko. Hilong hilo akong napaupo muli sa kama ko. Para akong nagka-hang over kahit hindi naman ako umiinom. Umiikot ang paningin ko habang nakatingin sa paligid.
Nagto-toothbrush ako nang makareceive ako ng tawag kay Renice. Nalaman kong wala ang kasama kong lalaki sa photoshoot kaya may big chance na baka hindi matuloy ang shoot ko today. Sayang lang kasi pinlano ko na kung saan ko gagamitin ang su-swelduhin ko sa perang iyon pero mukhang mapupunta pa ito sa abo dahil wala ng akong kasama sa shoot na lalaking model.
Saktong pagkababa ng tawag ni Renice ay si Brelenn naman ang pumalit. Ang dati niyang pangalan sa contacts ko na 'Brelenn my bff' ay pinalitan ko ng 'boyfie' kaya noong nakita ko 'yon ay kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sariling mapangiti. "Hello?" Bungad ko.
"You are awake..." I heard him chuckle on the other line. "How's sleep, princess? Good morning!" Bati niya sa akin. Ang boses niya'y parang enerhiya na hindi nababawasan kahit na nakakapagod maging isang doctor. "Natulog ka ba?" My voice was a bit husky because of me throwing up earlier today and another reason is I still want to sleep.
"Yes."
"Liar." Tumawa ako. "Twenty four seven ang trabaho niyo kaya sigurado akong hindi kayo natutulog dahil may mga pasyente. Sinong niloko mo?" "Remember? I'm leaving. That's why I resigned to focus on you and I can spare some time."
"Ah... Oo nga pala." Nagkamot ako ng ulo. "Why are you calling so early?"
"Let's have a breakfast date," excited na sabi nito sa kabilang linya.
"Right now? Eh malapit na magtanghali. Baka maging lunch date 'yan." Humalakhak ako. Nakita ko kasi ang oras na 10 o'clock sa aking time bar.
"Dumbass, alam kong tulog mantika ka kaya ngayon lang ako tumawag. I know you haven't eat yet so I'll go to your place and I will cook there. You better wait!" "I will." Ngumiti ako.
"What do you want to eat?" He asked.
"Anything, basta ikaw magluluto."
He and his tiny but sweet efforts. Never imagined myself I would feel one genuinely.
Ilang minuto lamang pagkababa ng tawag namin ay nakarinig na ako ng katok. Pagkabukas ko rito ay nagulat ako nang may sumalubong sa akin agad ng yakap.
"Hey... Hey..." Tumawa ako. "Ang bilis mo ah. What did you ride?"
"I rode my bicycle." He simply answered as he wiped the beads of sweat in his forehead. My eyes widened when I saw him wearing a white sando and a black simple shorts. "Ano?!" I exclaimed.
Mula roon sa kanila ay nagbike lang siya papunta rito? Eh ang layo ng bahay nila! Nakakadalawang jeep pa nga ako para makarating dito!
"Chill... I used my car to go to the market first before using my bicycle to come here." Kumindat siya. Iniangat niya ang plastic bags na kanina'y hindi ko napansin na binaba niya pala sa sahig para mayakap ako. Nang makapasok na kami sa loob ay prente agad siyang umupo sa sofa. Pagod na pagod ang walanghiya!
"Ang galing mo, ah? Pag diyan, pagod na pagod ka pero pag sa..." Napahinto ako nang marealize ko kung ano ang gusto kong iparating! Baka kung ano pa ang isipin ng mokong na ito.
A smirked slowly formed In his lips. "Pag sa..?"
"Ang aga aga!" Binato ko sa kanya ang unan na nasa tabi niya habang tumatawa.
"What? You started it. I never said anything!" Depensa niya habang tumatawa. Nagulat na lang ako ng hilain niya ang bewang ko paupo sa hita niya. "You're mine now, sweetie girl," bulong niya sa tenga ko dahilan para magsitaasan ang mga balahibo ko.
Napatayo ako nang bigla kong maramdaman na may tumitigas. Sinamaan ko agad siya ng tingin pagkaharap ko sa kanya pero siya naman ay mukhang tuwang tuwa pa sa kanyang nakikita. Kitang-kita siguro ang pamumula ng aking mukha! "You're turned on!"
"Well, I can't control being hard... My baby said you're so beautiful so he wants to be inside you again." Humalakhak nang mala-demonyo ang walanghiyang Raedwald.
Kahit na namumula ang mukha ko ay hindi ko maiwasang matawa kasi namumula na rin ang mukha niya sa sobrang tuwa. "Bastos ka ah!"
"What?" Pakunwa'y clueless na tanong niya. "Okay okay... I'll cook now."
"Anong I'll cock now ka riyan?!" Bulaslas ko sa kanya. Ang ilong ko'y umuusok dahil hindi na kaya ng sistema ko ang pagpapatawa niya sa akin. Pakiramdam ko'y lahat ng dugo ko ay pumunta sa aking ulo. "Cock?" Natahimik siya saglit at tila winawari ang sinabi ko. Nang makahuma ay mas lalong lumakas ang halakhak niya. Napapahampas pa nga ito sa sofa habang tumatawa eh.
"Ano na naman ba?! Tawang tawa ka ah!" Inis na sigaw ko sa kanya. "I hate you!" Nagcross arms na ako at umupo sa sofa dahil sa inis.
"Bab---" hindi nito muli natuloy ang sasabihin dahil naunahan siya ng tawa niya. "I'm sorry! I'm sorry! It's just... It's just so funny! I said cook, babe. Cook as in cook foods. Not cock, okay... I mean, it can be your food too---" "Gago!" Sigaw ko rito at napatakip ng mukha sa hiya. Ganoon na lamang ang tawa niya habang papunta siya sa kusina. Nang tumalikod siya ay nakakuha ako ng tyempo, malakas kong sinipa ang likuran niya dahilan para siya naman ang maging katatawanan ko dahil hulog siya sa sahig. "Sige sleep well!" Humalakhak muli ako habang dinuro-duro ang lalaking parang nakatulog na sa sahig pero ang mukha'y ngayon ay nakasibangot na. "Jarell!" Mabilis siyang bumalik papunta sa akin at kiniliti ako. "Akala mo ah!"
"Bre... Brelenn! Brelenn tama na! Ah!" Tawa na ako nang tawa sa ginagawa niya. Alam na alam niya ang kiliti ko. Sa paa't tiyan at sa kili-kili. "Brelenn ayoko na! S-Suko... Suko na 'ko!" Hindi ako matigil kakatawa.
Hingal na hingal kaming dalawa nang matigil kami. Nagkatitigan kami saglit.
"Pasan mo 'ko," pag-iinarte ko rito sabay pout.
Napangiti naman siya at agad na ginulo ang buhok ko bago tumalikod. "Huwag mong sipain ah! Isa, Jarell! Lagot ka sa 'kin!" Banta pa niya kaya tumawa muna ako bago ako yumakap sa likuran niya. Napa-woah na lang ako nang tumayo si Brelenn. Tangina, ang tangkad niya talaga! Halos hanggang dibdib niya lang ako.
"Ganito pala ang feeling na matagkad," ngumisi ako. "Put some inches on me po!"
"Sige, I'll put some inches on you," makahulugang sabi nito kaya namula ulit ang pisngi ko. Kahit ano talaga ang sabihin ko ay nakakagawa siya ng salitang magpaparumi rito! "Alright, no more games... I'll cook now before lunch. I'll stay here for the day so maybe we could watch some movie."
"Okay..." Pag sang ayon ko na lang. Para akong naaadik sa pabango niya kaya natatahimik ako.
Buong araw kaming nagtatawanan at puro kainan. Noong nanonood kami ng movie sa TV ay nagbatuhan kami ng popcorn kaya hirap na hirap kami sa paglilinis dahil may maliliit na sulok na hindi kaya ng vacuum cleaner at ng walis kaya kailangan naming kamayin.
Pero kanina naman habang kumakain kami ng favorite kong seafood ay bigla na lamang ako nakaramdam na parang gusto ko itong isuka. Nagsimula na akong mabahala habang sumusuka ako sa bowl. Si Brelenn ang taga-taas ng buhok ko habang dumuduwal ako roon. Alalang-alala ang mukha niya.
"Fuck, I bet it tastes bad." Mariin siyang napapikit.
"No, no... It's just my taste..." Umubo ako ulit bago ko binanlawan ang sarili. Finlush ko na rin ang bowl pero hindi pa rin mawala sa aking sarili ang isipin.
How long was it since the day we did it? Fuck.
"No, I think it's really how I cooked it. I just started learning the recipe so I'm not sure about the taste. Even my taste says it's weird. I would try again to make it perfect next time. It really tastes bad, I'm sorry..." Umiling na lang ako. Hindi ako makapagsalita nang maayos dahil masakit ang lalamunan ko kakasuka. Para akong iiyak na ngayon anumang oras.
Am I... pregnant?