Chapter Chapter Thirteen — the problem (Part One)
Hindi tumagal ang pagtatampo sa aking ni papa. Hindi kalaunan, nagbati na rin kaming dalawa. Magda-dalawang buwan na akong buntis, noong pumunta kami sa isang ob gyne.
Pupunta ako sa kasal nina Lychie at David ngayong araw. Ngayon ko lang nalaman na ang David na tinawagan ni Brelenn at ang David na papakasalan ng kaibigan kong si Lychie ay iisa. Nagtext pala si Lychie kay Brelenn na hindi niya ako mapupuntahan sa condo ngayon dahil nga araw ng kasal nila. Mabuti na lang at wala pa akong baby bump kaya walang makakahata kahit na may kakilala ako roon. Pansamantala, gusto ko munang itago ang pagbubuntis ko. Pangalawang araw ko na rito sa bahay nina mama at papa. Nagtataka ako dahil magpasa hanggang ngayon ay wala pa akong natatanggap na tawag kay Brelenn samantala kakasabi lamang niya bago niya ibaba ang tawag na tatawag din siya kapag nagkita na sila ni Tita.
Baka naman busy lang siya? Grabe naman ang pagka-clingy ko sa kanya at isang araw lang ay hindi ko matiis.
"Ma, pupunta po ako sa kasal ng kaibigan ko," paalam ko kay mama na tinanguan niya.
"Sinong kaibigan?" Tanong niya. "Tingnan mo, ang mga kaibigan mo kinakasal na!" Dagdag niya dahilan para mapasimangot ako.
"Ikakasal din naman po kami one day ni Brelenn, ma. Hintay hintay rin pag may time!"
Humalakhak si mama. "Oo na, oo na. Samahan na kaya kita?"
Ngumiti ako. "Kaya ko pa po, ma,"
Tumango-tango siya. "O siya sige, mag-iingat ka! Bumalik ka rin dito kahit next week. Kunin mo na ang gamit ko para dito ka muna tumira habang nagbubuntis ka. Wala kang kasama sa condo mo." "Opo,"
Nagpaalam din ako kay papa bago ako tuluyang umalis. Sumakay ako ng pedicab papunta sa bus station. Ganito kasi sa probinsiya, eh.
Tahimik akong nagpasalamat sa Diyos nang makarating ako sa bus station nang ligtas. Agad akong sumakay sa bus pagkababang pagkababa ko sa pedicab. Saktong may nagbebenta ng tubig at ng paborito kong pugo kaya napabili agad ako.
Pumwesto ako sa pangatlong upuan sa pinakaharap ng kanan. Kinuha ko ang cellphone ko at napagpasyahang i-text si Brelenn.
Ako:
Brelenn, pupunta ako sa kasal nina Lychie at David. Ngayon pala ang kasal nila tapos inutusan mo pa si Lychie na bantayan ako, loko ka talaga! Hindi ka raw nagrereply sa message niya, busy ka ba? Napabusangot na lang ako nang ilang minuto ang lumipas pero hindi siya nagreply.
Tinekitan ako noong kundoktor na malagkit pa ang tingin sa akin. Tinitigan ko siya para mahiya siya sa kanyang ginagawa pero hindi siya nagpatinag. Diniliman ko ang aking tingin sa kanya dahilan para mapa-pikit pikit siya at sumuko na. Napatingin ako sa bintana, binuksan ko 'yon. Laking pasasalamat ko at walang air conditioner sa bus dahil byahilo ako. Tanging sa kotse lang talaga ako sanay pero pag sa mga bus na ay nasusuka ako.
Yumakap sa akin ang mainit na hangin. Hindi ito nakapapaso ng balat kaya masarap damhin.
Nasaan na kaya si Brelenn? Ano kayang nangyari't hindi siya nagrereply kung gayo'y siya ang nagsabi na dapat ina-update namin ang isa't isa araw araw?
Bahala na, masyado na naman akong nag-o-overthink. Ganito ba talaga pagbuntis?
Wala namang naging kaso sa pagbiyahe ko. Pasasalamat ko na lang at nakahabol ako bago maghapon. Sa reception venue na lang ang naabutan ko pagdating.
Nang magtama ang mata naming dalawa ni Lychie ay hinalikan niya ako sa pisngi. "Buti nakarating ka! Kumusta?" Nakangiting sabi niya.
Ngumiti ako pabalik. "Ayos lang! Ang ganda mo! Bagay na bagay talaga sa 'yo kahit na ano. Congratulations sa wedding niyo!"
Agad niya akong sinenyasan na sumama sa kanya. Dinala niya ako sa asawa niyang naka clean cut ang buhok at kulay berde ang mga mata. Moreno at nasa six foot ang tangkad. Mas matangkad lang si Brelenn nang kaunti, iyon ang palagay ko.
Pinaupo nila ako sa kanilang circle kasama ang ilan pa nilang kamag-anak at kaibigan. Nakatanggap ako ng maraming papuri mula sa kanila pero tanging 'salamat' at pagngiti lang ang aking nasusukli dahil medyo naiilang ako.
Hindi rin ako tumagal doon, nang maibigay ko na sa kanila ang regalo ko ay agad na akong nagpaalam sa kanila na aalis na ako. Nagtanong pa nga sila kung bakit ang bilis kong umalis.
Isang apakan pa lang hagdanan ang nalalagyan ng paa ko ay bigla na lang may humawak sa kamay ko. Kasabay nang pagpihit ng aking mukha para tingnan kung sino iyon ay isang malakas na sampal ang bumungad sa akin. Sa lakas ng impact ay napahawak ako sa aking pisngi. What the fuck?
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Carla sa aking harapan.
Itatanong ko pa lang sana sa kanya kung bakit niya ako sinampal, inambahan niya pa ako na sasampalin ulit pero nahawakan ko ang pala pulsuhan niya. Ano bang ginagawa niya?!
"What the hell is your problem?" Tinaasan ko ang tono ng boses ko dahil sa inis. Paano na lang kapag nahulog ako rito?! Anong mangyayari sa anak ko?! Kapag may masamang nangyari sa anak ko, baka mapatay ko siya! Natahimik ako nang magsimula siyang humagulgol sa harapan ko habang nakaturo ang kanyang daliri sa akin. Hindi siya makapagsalita ng maayos dahil nauunahan ito ng kanyang hikbi.
"You... You're a bitch." Sa wakas ay nausal niya habang nakaturo pa rin sa akin.
"What the hell did I do to you?!" Singhal ko.
"Naythen canceled our wedding. H-He... He did not marry me and I-I... I bet it's because of you." Nauutal niyang sabi. "A-Akala ko ba may boyfriend k-ka na? Iyong dati mong kaibigan? Bakit... Bakit pati si Naythen, inaagawa mo sa akin? E- ex ka lang eh, ako 'y-yung fiancee..." Humina ang kanyang boses.
"Ano bang... pinagsasasabi mo?" Pilit kong pinakalma ang aking sarili dahil nakaramdam ako ng awa sa kanya.
"We broke up," seryosong sabi niya tsaka marahas na pinunasan ang luha. "You know what? Karma na ang bahala sa 'yo. Uhaw na uhaw ka sa lalaki. You live for male validation!"
Agad niya akong nilagpasan pero hinigit ko ulit ang braso niya para iharap siya sa akin. Hindi pa kami tapos mag-usap.
"Why the fuck would you accuse me for doing that? I'm living my life and you fucking said it, I have a boyfriend so anong pinuputok ng butse mo?!" Galit kong sigaw rito. Tumataas ang dugo ko sa kanya! Nakaka-stress!
"A day after he proposed to me and I said yes, we were sleeping together in the same bed. I woke up randomly on midnight and I saw him looking of your pictures together and he smiles. Of course that hurt me, he fucking asked me to marry him and he'll look back to his ex's pictures? So before our wedding, I invited you to find out if he's still into you. Then he saw you and I was right! I thought you were single but no. You went with your boyfriend." Mahabang paliwanag niya. What?
"You think I don't know? I fucking saw you guys almost kissing on the island!"
"I never fucking kissed him after we ended our relationship, Carla!" Kinuyom ko ang aking kamao. "Una pa lang, alam kong mainit na ang ulo mo sa akin dahil noong college tayo ay ikaw ang unang niligawan niya pero dumating ako kaya sa akin siya napunta noon. Pero hindi pa kita kilala noon kaya huwag mo akong sisihin! Hindi ko kasalanan kung may nararamdaman pala iyang fiance mo sa akin! Wala akong ginagawa dahil hindi ko na siya pinapansin!" Dagdag ko. "Male validation, huh?" I scoffed. "Who looks like she always look for the male validation card now? I remember the time when you threw him to me and told me we should continue our love story because he still wants me but you guys are in a relationship. Then I accidentally posted our picture together and you got mad at me! I don't get you! You are the bitch!"
Natulala siya sa sinabi ko. Napahagulgol na lamang siya roon at umupo sa sahig.
Matapang at taas noo akong umalis doon. Rinig ko pa ang kanyang paghikbi kahit medyo malayo na ako. Buti na lang at may dumalo na sa kanya kaya nakapasok na ako sa taxi.
Nakaka-stress naman pala ang araw na ito. Dapat kong i-kwento ang lahat ng ito sa boyfriend ko na nasa France ngayon. Kumusta na kaya siya?
Dahil gabi na, naisip kong baka nagmessage na siya sa akin pero nadismaya ako ng wala siyang tawag o text manlang. Ano kaya ang nangyari? Masyado bang busy? Kakarating niya lang ah? Hindi naman siguro siya magt-trabaho agad. Pero baka naman nagpapahinga lang?
Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.