Langit Sa Piling Mo (SPG)

Chapter 19: Pekeng pangalan



"ANO ang balita?" tanong agad ni Mark sa kaibigang detective sa Hong Kong nang magkita sila sa kanyang opisina. Dalawang buwan na buhat nang mamalagi siya roon upang bisitahin lamang sana ang kanyang negosyo na kasosyo ang mga kaibigang Japanese.

"Peke ang pangalan na ginamit niya nang mag-check in sa hotel na iyong tinutuloyan. Ito ang may-ari ng ginamit niyang pangalan at matanda na ito."

"Damn!" Nasuntok ni Mark ang lamesa dahil sa galit. Hindi siya pinatahimik ng kunsensya ng babaeng naka one night stand kung kaya hindi muna siya umuwi ng Pilipinas at pinahanap ito.

"Ano sa tingin mo ang dahilan at gumamit pa siya ng ibang pangalan?" Tanong niya muli sa kaibigan habang hinihilot ang batok nang makaramdam ng pangangalay doon.

"Baka gusto lang ng anak? Sa kuwento mo ay virgin pa siya at siya pa mismo ang nag-utos sa iyo na sa loob iputok." Kalkulasyon ng detective.

"Darn! Kailangan ko siyang mahanap lalo kung magbunga ang nangyari sa amin. Hindi ako makakapayag na magkaroon ng anak na hindi ko nakilala manlang. Pero paano?" Lalong sumakit ang batok ng binata dahil sa stress. "Sigurado ka ba na taga dito siya at hindi iba ang kanyang nationality?" tanong ng kanyang kaibigan.

"Parang pamilyar ang mukha niya sa akin pero hindi ko matukoy kung sino ang kamukha niya dahil lasing na rin ako nang gabing iyon. Mukha rin siyang Korean kung kaya hindi ko matukoy."

"Para kang naghahanap ng butas sa karayom sa lagay na ito, mabuti pang kalimutan mo na lang siya dahil malabong mahanap ang taong ayaw magpakilala." Payo nito kay Mark Philip.

Napabuga na lamang ng hangin sa bibig si Mark at sumang-ayon sa kaibigan. Maging ito ay hindi mahanap ang babaeng pinahahanap niya kaya malabo na ngang makita ito.

Dumaan pa ang maraming buwan hanggang isang taon bago tuloyang umuwi ng Pilipinas si Mark. Iniiwasan din niya ang ama kung kaya nanatili siya sa ibang bansa ng matagal. May sariling negosyo ang kanyang ama ngunit ayaw niyang hawakan iyon dahil mas gusto niyang magtayo ng sarili at iyon ang pamahalaan.

....

"Ahhhh harder! umoungol na utos ng babae sa kaulyaw.

"Ahh ahhh shit! You're so tight.. uhmmm!" Naging wild ang pag-ulos ng lalaki sa kuweba ng kaniig.

"Ohhh... ahhh!"

Lalong ginaganahan ang lalaki sa pagbayo sa babae nang marinig ang matinis na ungol nito. He's almost there when the phone's ringing.

"Tang-i*a! Napamura si Mark kasabay ng pagbalikwas ng bangon. Naibato ang unan na yakap na nang hindi namalayan habang tulog. Muling nag-ring ang kanyang cellphone na siyang nagpaudlot sa kanyang panaginip.

"Bakit ba hindi ka maalis sa isip ko kahit sa panaginip?" Frustrated na tanong ni Mark sa kawalan dahil napaginipan na naman ang babaeng nagpaangkin sa kanya isang taon na ang nakaraan.

Pahintamad na sinagot niya ang tawag nang ayaw tumigil iyon sa pagtunog. Gusto niya sanang sisihin kung sino ang tumatawag na dahilan ng kanyang pagkagising. Nanakit ang puson dahil sa nabitin siya kahit sa panaginip. "How's your trip, Pare?" tanong ng kaibigang Taiwanese nang sagutin niya ang tawag nito.

"Have a problem there?" Sa halip ay tanong niya dito at bakas sa boses ang iritasyon.

"Did I interrupt something hot moment?" nakakalokong tanong pa nito.

Wala siya sa mood na makipagbiruan kung kaya hindi na pinatulan ang pang-aasar nito. Tumawag lamang ito dahil may itinanong tungkol sa negosyo nila. Umaga na rin pala kaya bumangon na siya matapos putulin ang tawag sa kaibigan. Hindi pa man siya nakapag-relax ay ang ama naman niya ang tumawag.

"Wala ka ba talagang balak hawakan ang negosyo natin?" Tanong ng ama niya nang makasabay niya ito kumain sa hapunan. Mula nang magkaroon siya ng sariling negosyo ay bihira na niya ito nakakasalo dahil umiiwas rin siya sa ama. "Dad, hindi pa po stable ang bagong negosyong itinayo ko."

"Bakit ba kasi nagpapakahirap ka pa sa paghawak at tayo ng bagong negosyo gayong pinapasa ko na sa iyo ang pamamahala sa negosyo natin?" Naiiling na tanong ni Arman sa ma-pride na anak.

"Gusto ko lamang po subokan ang aking kakayahan sa sariling paraan. Construction po ang hilig ko at hindi ang Hotel."

"Sa sunod ng buwan ang opening ng Hotel na ikaw mismo ang nag-design sa Isla ng Boracay. Siguro naman ay hindi ka mawawala sa araw na iyon?"

"Makakaasa po kayo na darating ako upang manguna sa pag-cut ng ribbon." Kahit papaano ay nakaramdam siya ng pagmamalaki sa sariling desinyo sa hotel na pinagawa ng ama dahil natuwa rin ito sa kinalabasan nang matapos. "I'm happy to hear that! Asahan ko na pamamahalaan mo rin ang negosyo natin this year. Tumatanda na ako, Hijo."

"Kalabaw lang po ang tumatanda, Dad!" Nakangisi na biro nito sa ama. Hanga siya dito dahil kahit maaga na biyudo ay hindi na muli nag-asawa o palitan ang kanyang ina sa puso nito.

...

"MALUNGKOT ka na naman diyan?" Puna ni Joy sa kapatid. May isang taon na rin ang nakalipas nang umuwi itong masaya ngunit panandalian lamang.

"Malapit ka na manganak, Ate!" Pilit ang ngiti sa labi na nakatingin sa tiyan ng kapatid.

"Huwag ka nang malungkot, may planong iba si Lord para sa iyo kung kaya hindi ka sinuwerte na maging ina sa unang anghel na naipunla sa sinapupunan mo." Malumanay niyang kausap kay Marie.

Hindi naman nagdamdam ng husto si Marie nang makunan siya sampung buwan na ang nakaraan. Ang sabi nga ng mga madre ay dahil siguro nabuo iyon sa maling paraan. Kasalanan niya rin kung bakit hindi muna siya nanghingi ng advise sa kanyang doctor bago ginawa ang gusto. Hindi pa siya tuloyang gumaling at still taking medicine kung kaya naging mahina ang kapit ng sanggol sa kanyang sinapupunan.

"Bakit hindi ka muna magbakasyon upang malibang ka?" Payo ni Joy dito.

"Huwag na, ate, gastos lang Isaka nahihiya na ako sa inyo ni Kuya." Ito ang mga bumibili ng kanyang gamot. Pero ngayon ay pinatigil na siya sa pag-inum dahil maayos na ang kanyang kalusugan. Hindi rin siya gaanong umaasa na sa mga magulang dahil halos nasagad ang naipundar ng mga ito noong solo pa nila ang pagbalikat sa kanyang pagpagamot.

"Ano ka ba, alam mo na ayaw kong nakikita kang malungkot. Subukan mong pumunta sa Boracay kung saan kami nagbakasyon noon ni Yosef. Maganda doon at nakaka relax ng isip, tiyak kong magustohan mo ang lugar na iyon." Pamimilit ni Joy sa kapatid.

Wala na ngang nagawa si Marie kundi ang pagbigyan ang nais ng kapatid. Tatlong buwan pa naman bago ito manganak.

Tinanggap niya ang alok ng kaniyang kapatid na magbakasyon sa Boracay upang hindi na ito mag-alala sa kaniya. Pagdating niya roon ay tama nga ang kapatid dahil nalibang siya sa unang araw pa lang sa Isla. "Mag-a-apply ka ba, Miss?"

Nagulat si Marie sa tanong ng taong nasa kanyang harapan. Naroon siya ngayon sa harap ng isang magandang gusali. Napadaan lamang siya roon at naengganyo tignan ang naturang gusali dahil ang ganda ng desinyo. "Hiring po ba?" Naisip niya na mas maganda magtrabaho roon habang nagbabakasyon.

"Tama lang ang dating mo, miss, dahil bagay sa iyo ang bakanteng posisyon. Ilang linggo na lang ay opening na ng Hotel na ito kung kaya urgent hiring kami for reception staff!" ani ni Tom na siyang Manager ng bagong tayong hotel. Kanina pa niya napansin doon si Marie at sa tayo nito at hitsura ay pasado sa kailangan niyang tauhan.

"Naku paano iyan eh wala akong requirements na dala kasi bakasyon lang sana ako dito. Pero gusto ko rin magtrabaho dito kung makapasa." Umaasam na sagot ni Marie dito.

"Just give me your full name and adress, ako na ang bahala sa iyo. Ako nga pala si Tom ang Manager ng mga reception staff dito." Pakilala na rin nito sa dalaga.

"Wow, ang swerte naman ng bakasyon ko dito at na meet kita. Thank you! My name is Devine Marie Corpuz." Nakipagkamay ito sa binata. May hitsura ito at ramdam niya agad na makapalagayan loob niya ito bilang kaibigan.

"Nice to meet you too! Welcome to Alfares Hotel and Resort, maari ka nang mag-report bukas at may mag-training naman sa iyo kung first time mo lamang sa ganitong trabaho." Masaya na wika ni Tom. Maganda ang dalaga at sexy kung kaya dagdag display sa hotel ito.

Hindi na pinaalam ni Marie ang pagtanggap sa trabaho sa kapatid dahil mag-aalala na naman ito. Naging maganda ang unang araw niya doon at nakasundo lahat ng nakakasama sa trabaho. Madali siyang natuto kung kaya natuwa rin sa kanya si Tom.

"Ito nga pala ang maging uniform mo." Inabot ni Mariam kay Marie ang tatlong pares ng black skirt na may hati sa gitna sa bandang likuran. May terno ito na blouse na kailangan e tak-in. Sobrang bumagay sa kanya ang uniform dahil lumitaw ang mala kandila niyang binti. Si Mariam ang kanilang Supervisor at maganda rin ito at maputi.

"Kailangan mong mag-ayos at maglagay ng make-up sa mukha sa araw ng opening ng hotel na ito." Dugtong na paalala pa ni Mariam kay Marie.

"Thank you, Ma'm!" tanging sagot ni Marie dito. May pagka estrikta ito sa kanilang lahat lalo na sa kanya, dahil hindi siya nag-aayos o naglalagay ng kolorete sa mukha mula nang siya ay pumasok doon isang linggo na ang nakalipas. "Sige na bumalik ka na sa trabaho mo at tumulong sa pag ayos ng venue sa paligid." Utos nito sa tauhan.

Tumalima naman agad si Marie, tapos na ang kanyang training kung kaya naging ganap na siyang employee ng naturang Hotel.

"Kanina pa ako tumatawag sa iyo eh hindi mo sinasagot?" May pag-alala na tanong ni Joy sa kabilang linya.

"Pasensya na, ate, naiwan ko ang cellphone ko sa room." Pagsisinungaling ni Marie sa kapatid. May limang miss call nga ito at hindi niya nasagot dahil bawal pa siya humawak ng cellphone sa oras ng trabaho. "Huwag mo na akong alalahanin dito dahil masaya ang aking bakasyon dito." Pinasigla pa niya ang tinig upang makumbinsi ang kapatid na kausap niya mula sa kabilang linya.

"Hindi mo maalis sa akin ang mag-alala lalo na at hindi mo agad nasagot ang aking tawag." Sermon nito sa kanya.

"Tatawag na ako sa iyo, mother araw-araw kaya huwag ka nang mag-alala." Biro ni Marie sa kapatid.

Pinagpasalamat na lamang ni Marie dahil hindi na nagtanong at nagtaka pa ang kapatid. Sa mga sumunod pang araw ay naging abala siya kaya sa gabi lang niya natatawagan ang kapatid.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.