Langit Sa Piling Mo (SPG)

Chapter 23: Flirting



"BONDING tayo, teh bago matapos ang fifteen days mo dito." Nagbubunyi sa tuwa si Mhai nang malaman ang naging pasya ng management ukol sa pag-resign ng kaibigan. "Ano namang bonding ang gagawin natin eh halos maghapon na nga tayong magkasama dito." Walang ganang sagot niya sa kaibigan.

"Inum tayo sa linggo, nagyaya sina Sir Tom bilang celebration sa successful ng ating trabaho."

"Kasama ba ang lahat?"

"Mayroong hindi makakasama dahil uuwi sa kanilang bayan."

"Saan gaganapin?" Nakapangulambaba na tanong muli ni Marie.

"Dito lang din sa hotel after shifting work hour, mag barbecue party tayo sa tabing dagat."

"Sige," maiksing sagot ni Marie.

"Ano nangyari sa iyo? May pagtataka na puna ni Mhai sa dalaga. "May sakit ka ba?" Sinalat ang noo ng kaibigan.

"Wala, pagod lang siguro ako."

"Naku mukhang magkakasakit ka, uminom ka ba ng gamot mo?" Nag-alala bigla si Mhai, alam nito ang history sa kalusugan ng kaibigan.

"Oras ng trabaho nagchi-chismisan kayong dalawa!" Masama ang tingin ni Mariam sa dalawa.

"Ma'am may sakit po si Marie baka pwedeng magpahinga muna siya?" ani ni Mhai, hindi na pinansin ang pagtataray ng huli.

"Nakaupo lamang kayo riyan sa reception desk, napagod ka na?" Nakaismid na tinitigan si Marie.

"What's wrong?" Nakakunot ang noo ni Mark, palabas na sana siya kasama ang ilang VIP guests nang mapansin ang mga ito na mukhang nagtatalo. "Sir!" Bahagyang yumukod si Mariam.

"Sir, si Marie po kasi ay may lagnat." Mabilis na sagot ni Mhai dahil nag-alala para sa kabigan.

"Assist them to the tour guide!" Utos ni Mark sa supervisor. Nakaintindi naman ang mga guest nang pinasa sila sa ibang tao.

"Come and follow me!" Baling ni Mark sa dalawang babae na napatunganga sa kanya.

"Ako po ba, Sir?" Turo ni Mhai sa sarili.

"Alalayan mo siya papuntang clinic." Tukoy nito kay Marie na panay ang iwas ng tingin sa kanya. Alam niya na hindi ito komportable na siya lang ang kasama kung kaya pinasama na niya ang kaibigan ng babae. "Huwag na po, sir, kaunting sinat lang ito." Tanggi ni Marie, ayaw niyang uminum muli ng gamot dahil halos allergy na siya sa ganoon.

"Huwag matigas ang ulo." Seryoso ang mukha na hinila ng marahan ang braso ng dalaga palabas sa round desk.

Pakiramdam ni Marie ay lalong uminit ang kanyang pakiramdam nang dumikit ang palad ng binata sa kanyang braso.

"Ayaw ko nga!" Pilit binabawi ang braso mula dito.

"Don't be childish!" Hinigpitan niya ang paghawak sa braso nito. "Gusto mo pa ba na buhatin kita?"

Padabog na lumakad si Marie at nagpatiuna sa paglalakad. Si Mhai ay napasunod ang tingin sa dalawa na mukhang lovers at nagkatampuhan.

"Pambihira, alalayan ko raw, siya naman itong humawak sa kamay ng kaibigan ko?" Hindi makapaniwala na naibulalas ni Mhai. Hindi na siya sumunod sa mga ito at napangiti sa naisip na dati nang magkakilala ang dalawa.

"Ano ba!" Panay ang palag ni Marie nang pilit siya pinaupo ni Mark sa upuan nito. "Hindi naman ito ang Clinic ah!" Hindi na maipinta ang mukha ng dalaga sa naramdamang inis sa binata. Kung umasta ito ay parang may karapatan sa kanya. "Pinatawag ko na ang private doctor upang matignan ka."

"Wala akong sakit, mainit lamang ang panahon kung kaya ako ganito."

"Huwag matigas ang ulo!" mahamig sa boses ng binata ang iritasyon. "Umupo ka riyan at huwag lumabas ng silid na ito hangga't hindi ko sinasabi, understand?"

"May trabaho pa ako," pagdadahilan niya dito. Ayaw niyang tumagal sa isang silid kasama ito dahil lalo lamang umiinit ang kanyang pakiramdam kapag tinitigan siya nito.

"I'm your boss!" masungit na tugon ng huli.

Hindi na muli nagsalita pa si Marie, pinanuod niya ang ginagawa ng binata habang naghihintay sa doctor na pinatawag nito umano.

Nag-aalala ng husto si Mark sa nakikitang pamumula ng mukha ng dalaga. Naisip na baka mataas ang lagnat nito at bumalik ang dating sakit kung kaya doctor na mismo ang kanyang pinatawag.

"Maybe she feel stressed." Sagot ng doctor sa tanong ni Mark matapos suriin si Marie.

"No fever?" Hindi pa din kumbinsado na tanong muli ni Mark.

"Kakasabi nga lang na wala." Nakalabi na bulong ni Marie habang nakayuko at nilalaro ang daliri sa kamay.

"Stop being childish!" Mark hissed at her quietly.

Napangiti ang doctor sa dalawa na mukhang may love quarrel. "Don't worry about her condition, but I advice you to take her at OB Gyne.

"What?" Nanlaki ang mga mata na tanong ni Marie. Tila nabingi siya sa sinabi ng doctor.

"Thank you, doc, sundin ko ang iyong payo," malapad ang ngiti ni Mark na nakatingin sa dalaga. "Sa tingin mo po, doc, magka-baby na kami?"

"Well, ayon sa observation ko mukhang naglilihi ang iyong asawa." Tumatango na sang-ayon ng doctor.

Tuwang-tuwa na nakipagkamay si Mark sa doctor bago ito nagpaalam na aalis na.

"Ikaw!" Kuyom ang kamao at masama ang tingin na ipinukol sa binata. "Tuwang-tuwa ka talaga na asarin ako, noh? Bakit sumang-ayon ka sa maling naisip ng doctor?"

"Ano ang masama sa pagsang-ayon ko sa kanya?" Painosinte na sagot ni Mark sa dalaga.

"Baliw ka ba at nagtanong ka pa?" Inis na tumayo si Marie, gusto niyang batohin ang mukha ng binata dahil sa nakakalokong ngiti na nakapaskil sa mapang-akit na labi nito.

"Huwag ka nang magalit at lalo kang namumula, bawal sa iyo ma stress." Napalis ang ngiti niya at biglang sumeryoso.

"Ako na!" Inagaw niya mula dito ang binasa nitong panyo upang punasan ang kanyang namumulang pisngi. Kung alam lang nito na ito ang dahilan kung bakit hindi mawala ang pamumula ng kanyang pisngi, baka lalo siyang tuksohin ng lalaki.

"Ano ba kasi ang nangyayari sa iyo?" Masuyong hinaplos ni Mark ang pisngi ng dalaga. May lagnat ito pero hindi mataas ayon sa doctor. Nakainum na rin ito ng paracetamol ngunit mukhang nag-iinit pa rin ang mukha nito. "Lumayo ka kasi sa akin!" Nakasimangot na inilayo ang sarili sa binata. Alam niya na mukhang kamatis na ang kanyang pisngi ngayon dahil sa ginawa ng binata.

Napatda ang binata nang mapagtanto ang inaakto ng dalaga sa kanyang harapan. Panay ang iwas pa nito na mapadait sa kanya. "Heck, ako ba ang dahilan nang pagkaganyan ng iyong katawan?"

"Hi-hindi ah!" Nautal na tanggi niya at umiwas ng tingin sa huli.

"Ang hot ko naman para magkaganyan ka, siguro naiisip mo ang love making natin?" Nanunukso niyang tanong dito.

Ayon na naman ang simpatikong ngiti ng binata na lalo lamang nagpagandang lalaki sa kanyang paningin.

"Ang yabang! Diyan ka na nga," patakbo ang lakad niya patungo sa pintuan.

Mabilis niyang hinabol ang dalaga at hinapit ito za beywang. "Not so fast, Young Lady, let me take away that hotness on your boday first!"

"Uhmmmp!" Nanlaban ang dalaga nang marahas na inangkin ng binata ang kanyang labi. Parang may tambol sa kaniyang dibdib sa pagkakataon na iyon.

"Bakit ka ba nanghahalik?" Hinampas niya sa dibdib ang binata nang pakawalan ang kanyang labi.

"I just want to taste again your lips, I missed to memorize every angle of your body that night coz we're both drunk."

Pakiramdam ni Marie ay tumatagos hanggang buto ang init na hatid ng mga titig ng binata sa kanya ngayon. Hindi pa rin siya pinapakawalan nito at bawat kilos niya ay lalo lamang humihigpit ang yakap ng braso ng lalaki sa kanya. "Wala rin akong matandaan kaya kalimutan mo na ang bagay na iyon at pakawalan mo ako."

"Bakit hindi natin subokang alalahanin muli?" Pinagapang ni Mark ang palad mula sa likod patungo sa plat na tiyan ng dalaga.

"Stop being jerk, Mark!" Nahigit ni Marie ang hininga nang maramdaman ang marahang pagpisil ng kamay nito sa kanyang tiyan. Kahit pa may harang na damit ay ramdam pa rin niya ang init na nagmumula sa katawan ng binata. Mark felt horny when he heard Marie calling him by his name only. He was longing to touch her body and claim her lips again

"Alam mo ba na pinahanap kita nang magising ako at wala ka na?" he move his hand slowly, like teasing her.

"I'm not interested!" Kinakabahan niyang tugon dito at pilit na kumawala sa binata. Kapag nagtagal pa sila sa ganoong sitwasyon ay baka hindi mapigilan ang sarili na pagbigyan ang panunukso ng lalaki. Natatakot siya sa maging kahinatnan ng kanyang buhay kapag nagpadala sa tukso at may mabuo muli nang hindi napaghandaan.

"Bakit mo ako tinakasan nang gabing iyon?" mababanaag sa mga mata ng binata ang pangungulila sa dalaga.

"Hindi mo na dapat ako hinanap at pag-aksayahan ng oras. Ang gabing iyon ay isang pagkakamali na nagawa ko sa aking buhay at hindi napag-isipan. Pinagsisihan ko ang gabing iyon."

Nasaktan si Mark sa pinahayag ng dalaga. "Ganoon na lang ba, ilang lalaki na umangkin sa iyo mula nang maibigay mo sa akin ang iyong virginity?" Naging mabalasik ang tingin niya sa dalaga.

"Hindi ako kaladkaring babae!" Galit na sinampal niya ang binata. "I'm sorry, nabigla ako!" Nataranta siya nang makita ang galit sa mukha ni Mark at namumula ang pisngi kung saan tumama ang kanyang palad.

"Di, you remember what I did when you made a mistake that night?" Lapat ang ngipin na hinaplos ng sariling palad ang pisngi.

"Hindi ko sinasadya!" Takot na umurong siya nang makawala sa pagkahawak nito sa kanya.

"Come here," mababa ang tinig na utos niya sa dalaga.

"No," umiiling na bulong ni Marie.

"I said come here!"

Napaigtad si Marie nang tumaas ang timbre ng boses ng binata. Ano na ang gagawin niya? Nagsisinungaling lamang siya nang itanggi niya na walang naalala nang gabing iyon. Alam niya kung paano siya pinarusahan nito noon sa masarap na paraan.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.