Langit Sa Piling Mo (SPG)

Chapter 61: Sto moaning



KABA ang nararamdaman ni Gerlie ngayon sa halip na pananabik sa pagtuntong muli sa bansang Pilipinas. Nagkausap na sila ni Troy at alam na nito ang relasyon nila ni Khalid. Si Xander naman ay hindi niya maarok kung ano ang saloobin ukol sa nakikitang pagbakod sa kanya ni Khalid. Hindi ito nagtatanong at hindi rin nagbago ng pakikitungo sa kanya. Sa huling isang linggo niyang pananatili sa Hong Kong ay naririnig niya ang chismis kapag sinasama siya ng binata. Naghihinala ang mga ito kung ano talaga ang relasyon nila ng binata dahil palagi siyang hinahanap nito kapag nawala lang saglit. Hindi pa rin naniniwala si Daisy na isa siyang tunay na babae.

"You were not happy to see your sister again?" tanong ni Khalid nang mapansin na tila hindi masaya ang dalaga.

"I do, just don't mind me." Pilit na ngumiti siya sa binata. Hindi niya masabi dito na alangan siyang sumama dito sa ganaping kasal nila Zoe and Jhaina. Nahihiya siya makipaghalubilo sa sirkulasyon ng mayayamang kamag-anak at kaibigan ng mga ito. Narinig niya na darating din si Joy na siyang partner umano ni Khalid bilang abay sa kasal. Ngayon pa lang ay kinakain na ang puso't isipan niya ng selos.

"May problema ba?"

Napangiti muli ang dalaga, sa pagkakataong ito ay tunay na nang marinig ang pilipit na dila ng binata sa pagsalita. Nagsusumikap na itong magsalita ng tagalog para sa kanya umano.

"Wala po!" Nakangiti na sagot niya kasabay ng pagpisil sa matangos na ilong nito.

"I love you, Gerlie!" Malakas na pahayag ng binata habang nakangiting nakatitig sa mga mata ng dalaga.

"Woah! You two are not the couple who get married tomorrow, Dude! pang-aasar ni Troy na nakatayo mula sa kanilang likuran.

Natawa ang ilan na nakarinig sa pambubuska ni Troy. Maraming tao ang nakapaligid sa kanila dahil naroon pa sila sa loob ng NAIA Terminal. Si Xander ay napailing lamang na nakatingin sa magkahawak kamay nila Khalid at Gerlie. "Don't spoil our moment, Pare!" Nakangisi na sagot ni Khalid kay Troy kasabay ng pag-akbay sa dalaga.

"Naks, Pare? Level up, Dude!" Muling kantyaw ni Troy sa kaibigan.

Natawa na lamang si Gerlie sa kulitan ng dalawa. Napatingin siya sa mga taong nasa paligid nila, makikita sa mga mata ng mga babae na naroon ang inggit habang nakatingin sa kanya. Sino ba ang hindi maiingit? Halos ipagsigawan na ni Khalid kanina na mahal siya tapos ang pogi-pogi pa nito.

"Lets go!" tawag ni Xander sa mga kaibigan nang tumawag ang kanilang sundo na nasa labas na ito at naghihintay sa kanila.

Inihatid siya ni Khalid sa bahay ng kaibigan at doon muna siya magpapalipas ng gabi. Kailangan niya rin magpakita muna sa kapatid at sa itinuturing na ikalawang pamilya bago sumama muli kay Khalid kinabukasan. Wala siyang kinuwento sa mga ito tungkol sa karelasyon dahil wala pa siyang kasiguradohan sa relasyon nila ni Khalid. Ni hindi pa siya naipakilala sa lahat lalo na sa pamilya nito.

Kantyawan at nagkainuman nang gabing iyon ang magkakaibigan kasama si Zoe.

"Sino ang susunod sa yapak ko at iiwanan na ang buhay pagkabinata?" tanong ni Zoe gamit ang sariling lengwahe sa tatlong binatang kaibigan. Wala si Mark dahil hindi maiwan ang asawa at mga anak na kambal.

Tinuro agad ni Troy si Khalid na pangiti-ngiti lang sa isang tabi habang marahan na sumisimsim ng alak.

"And who's that unlucky girl?" pabirong tanong ni Zoe sa kaibigan.

"Makilala mo bukas, Pare," ani Khalid sa seryosong tinig gamit ang salitang tagalog.

"Woaahhh, you heard that, guys? Manghang naibulalas ni Zoe sa mga kaibigan.

"Yeah, and I don't know what he said, PARE!" Namimilosopong sagot naman ni Troy.

Natawa na rin si Xander sa takbo ng pag-uusap ng tatlong kaibigan. "Malapit na siyang masakal."

Nandilat ang singkit na mga mata ni Zoe at napatingin kay Xander. "Makasal, pare, not masakal!" Tumatawa na itinama ang kaibigan. "In just two months, you'll learned how to speak tagalog language, huh?" Tumawa lang si Xander sa kaibigan, natutunan niya lang ang salitang iyon mula sa sariling sikap. Hindi naman siya nakapagpaturo kay Gerlie, na siyang tunay na pangalan ng inakalang bakla dahil binakuran agad ni Khalid.

"I think, he learned it from Nica Joy." Nanunubok kay Xander na turan ni Troy. Alam niya kung paanong iwas ang ginagawa ng kaibigan sa babaeng iyon na ubod ng kulit at mas manyak pa sa lalaki kung umasta. "Nica? Our top model at hotel? Magkapanay na sambit nila Zoe at Khalid.

"Exactly!" Pumitik pa sa hangin na kumpirma ni Troy sa dalawang kaibigan.

"Well, Good luck for the Joy of your life, Dude!" Nakangisi na bati ni Khalid sa kaibigan. Kakatawang isipin dahil Joy din ang unang babaeng nagustohan niya noon.

"Crazy ideas!" Napapailing na ani Xander kasabay ng pagtungga sa iniinum na wine.

"Excuse me!" Pasintabi ni Khalid sa mga naroon at pumunta sa isang sulok na walang ingay. Tinawagan niya ang dalaga upang kamustahin ito.

"Hello?" sagot ni Gerlie sa kanyang mobile sa inaantok na diwa.

"Did I woke you up?"

Napabangon bigla ang dalaga pagkarinig sa boses ni Khalid. Marahan siyang bumaba ng higaan upang hindi magising ang kapatid na natutulog. "Why you were still up?" may kasamang paninirmon na tanong sa binata. Napatingin siya sa orasan na nasa dingding, its almost one a. m.

"I miss you!" Sa halip ay sagot niya sa dalaga. I want to sleep beside you, Love."

Napakagat ng labi si Gerlie at biglang uminit ang pakiramdam pagkarinig sa nais ng binata. Nakaka in love pa ang boses nito na malagom ngunit bahagyang namamaos kapag siya ang kausap.

"There's no space for you here, go to sleep now, ok?" Malambing niyang sagot sa binata. Dinig pa niya ang pagbuntong hininga nito mula sa kabilang linya.

"I love you!"

Ang lapad ng ngiti niya, hindi ito nakakalimot sabihin kung gaano siya kamahal ng binata. "I love you too, Khalid!"

"Ahh, I feel hot every time you say my name."

"Hey, stop being flirt." Saway ni Gerlie sa binata. Maging siya ay nag-iinit lalo na may kasama pang ungol ang pagka wika ng lalaki.

"How can I sleep? My member was longing for you. It become hard and-"

"Khalid!" sansala niya sa litanya ng binata at gusto pa yata sabihin kung gaano na ito kalaki at kahaba ngayon dahil sa kakaisip sa kanya.

"Uhmmm!" Paungol na sagot ni Khalid sa dalaga.

"Manyak ka talaga, stop moaning!"

Tumawa ng mahina ang binata, "I need to take shower, Love! See you tomorrow!" Ilang beses pa itong humalik na may tunog sa hawak na mobile bago tuluyang pinutol ang tawag. Napailing na ibinaba ni Gerlie ang mobile. "Kailangan ko rin yatang maligo!" naibulong niya sa kanyang sarili.

Kinabukasan ay maagang nabulahaw ang araw ni Gerlie dahil sa sigaw ni Lyca.

"Bakla, nariyan na ang groom mo, este sundo!" tawag ni Lyca sa kaibigan mula sa sala ng bahay ng mga ito. Kahit hindi magkwento ang kaibigan, alam niya na may ibang nangyari dito sa pagitan ng poging amo nito. Nagkukumahog na lumabas ng silid si Gerlie habang nasa kamay ang pilokang isusuot.

"Wow ang sexy talaga ng best friend ko!" Naibulalas ni Lyca pagkakita sa kaibigan.

"Hindi ba malaswa tignan?" Alanganing tanong niya sa kaibigan habang pinapasadahan ng tingin ang sariling kasuotan. Hapit na dress ang suot niya at bahagyang malalim ang v-neckline niyon. Kahit maliit ang kanyang dalawang hinaharap, malusog iyon at nakurba ang cleavage.

"Perfect, besh, tiyak na lalong maglalaway sa beauty mo ang manyak mong amo!"

Natampal ni Gerlie ang balikat ng kaibigan, "ang bibig mo, baka marinig ka ni Chim."

Nag peace sign lang ito sa kanya, hinayaan niya na ang kaibigan ang magkabit ng pekeng buhok sa kanyang ulo. Kulay buhok ng mais iyon at bumagay sa kanyang mukha. "Salamat, ikaw na muna ulit ang bahala sa pasaway kong kapatid."

"Good luck!" Todo kaway pa si Lyca, sa kanya hanggang sa makasakay siya sa sasakyan na sumundo sa kanya. Napaaga ang dating nito keysa oras na napag-usapan nila.

"Why?" Tanong niya kay Khalid nang ihinto nito ang sasakyan sa isang tabi. Kanina pa ito walang imik at napaka seryoso ng mukha.

"I don't like your outfit!"

Masama ang loob na yumuko ang ulo ng dalaga. Hindi iyon ang kanyang inaasahan na sabihin nito.

"Too daring!"

"Do I need to change?" namamalat ang lalamunan na tanong niya dahil sa pagpipigil na mapaiyak.

Napabuntong hininga ito bago humarap sa kanya.

"You know that I feel jealous if someone looking at you with admiration on their eyes." Masuyo niyang inangat ang mukha ng dalaga.

Napalabi siya at nabawasan ang tampong nadarama. "I just want to be look perfect on your eyes."

"I'm sorry, Love!" Nakangiting niyakap niya ang dalaga. "You look beautiful at sexy even you just wear a simple dress."

"Jus for today, okay?" Paglalambing niya sa binata upang hindi na palitan ang kanyang kasuutan.

Napilitan na tumango si Khalid, inabot ang coat na nakasampay sa likuran ng kanyang kinaupuan at pinasuot sa dalaga. Sleeveless kasi ang dress nito, inayos niya ang neckline na suot ng dalaga upang bahagyang maitago ang cute na cleavage nito.

"You were a big temptation to me!" Reklamo ng binata at niluwagan ang necktie na suot. Pati ang slack trouser ay sumikip bigla dahil na excite ang kanyang alaga sa nakikitang magandang dilag sa tabi nito.

Napanguso na lamang si Gerlie at nagpipigil na halikan ang binata. Ayaw niyang mag-umpisa at baka hindi na naman makapagpigil ito. Baka ma late pa sila at mabura ang kanyang lipstick.

Pagdating sa simbahan ay agad ma nilukob ng kaba ang dibdib niya. Hindi sila ang ikakasal pero parang sila ang naging center of attention lalo na nang lumapit si Joy sa kinaroonan nila.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.