Chapter CHAPTER 1: Kulot
CHLOE
Im chloe manaliksik, 18 na taong gulang at nag aaral pa lang ng hotel restaurant and management 2nd year college. Kaka ko lang naman pinasok itong kurso na ito dahil ayoko ng math, may math subject pero hindi ganun kahirap at kinakaya pa ng utak ko tsaka mahilig ako sa pagbabake kaya isa din iyon sa rason.
" chloe ung mga damit naisampay mo na ba??" tanong ni mama, pangalan pala ni mama is emily manaliksik.
"oho, naka pag hugas na din ako ng plato, asan na ba sila kiera at aira? Malalate na ako" ako kasi ang taga hatid nila sa school habang pag uwi ay si papa na dahil saktong tapos na ang trabaho niya. "dito na ate" sumunod na sila saakin palabas, naka pag paalam na din naman kami kay mama.
Matapos kong ihatid sila ay nag lakad na ako papuntang school, kung mamasahe pa kasi ako ay sayang lang. pang bili ko na lang ng pagkain ko total mabilis lang naman ako mag lakad. Dahil malalate na nga ako, kailangan kong bilisan. Wala ng lingon lingon pag naglalakad, ang mahalaga ay makarating ako sa school ng hindi late. Grabe ang hingal ko ng makarating ako sa school, mabuti na lang talaga nakaabot ako. May 15 minutes pa ako bago ang unang klase ko kaya makaka pag retouch pa ako ng pulbo kahit papaano pang tanggal ng ppaWis
"kuloooooottttt!!!" tinignan ko ung sumigaw si ella na kaibigan ko, kulot ang tawag saakin dahil nga kulot ang bbuho ko. Hindi naman sobrang kulot, ung wavy na kulot kung alam niyo iyon, basta iyon na.
"oh unat, himala at nauna ako sayo" pinaningkitan niya ako ng mata, kung siya kulot ang tawag saakin pwes ako unat dahil sobrang unat ng buhok niya na pwedeng pang commercial ang dating pero ayaw niya ng tinata2ag ko siyang ganun. "nabangga ung sasakyan ko❞ natawa naman ako sa sinabi niya.
"gaga, anong sasakyan pinagsasabi mo?? Wala tayong sasakyan baliw❞ngumiti siya, ang piling talaga nito kahit kailan.
"biro lang, anong oras na ako kasi nagising kaka nood ng korean na yan❞ umupo na siya at pumikit kaya binatukan ko
"
aray naman, masakit kaya!" alam niyo pag yan kasi pumikit matutulog yan, as in matutulog talaga na ganun ang posisyon maski madaming tao. Ung iba iisipin nag mememorya lang pero hindi dahil tulog na siya non. "may klase na tayo matutulog ka pa??" tanong ko,,
"ito namaan may 10 mins pa kaya" nag pout siya na akala mo aping aping sa pag batok ko sakanya.
"mabilis lang yan, mamaya kana maatulog. May break naman tayong isang oras" napa isip siya tapos ngumiti.
"oo nga no" pagka sabi niyang iyon ay dumating na ung instructor namin.
Alas sais natatapos ang klase namin ni ella, sabay na din kaming umuuwi lalo pat ilang minuto na lang ay padilim na.
6
oy diba 18 naman na tayo, pasok kaya tayo diyan tignan natin kung ano ginagawa nila?" sabi niya, lagi kasi naming nadadaanan at napaka tahimik sa labas tapos makikita mo mga sasakyan lang na mamahalin ang naka park.
"
"ano ka ba ang dapat na tanong diyan ay kung pasok ba tayo kahit 18 pa tayo" sabi ko.
"kita mong pang mayaman ang lugar" dugtong ko pa
"sabagay pero gustong gusto ko pumasok diyan kahit saglitan lang, na cu-curious ako kasi sa itsura niyang sa loob at kung ano meron diyan tsaka malay mo makakuha tayo ng jowalet diyan at mayaman pa diba?? Naku!!! Oras na ng pag asenso!!" sigaw niya kaya tinabig ko.
ayan ka nanaman puro ka kahibangan at talagang iyon ang habol mo? Ung perA? Mag aral na lang tayo ng mabuti at doon may patutunguhan pa tayo hindi ung magjojowa ng mayaman tapos masasaktan lang din tayo sa huli" sabi ko, pinaningkitan niya uli ako ng tingin.
"bakit??" tanong ko.
"kj naman neto, tara na nga" nauna pa siyang naglakad na nagdadabog, hay naku talaga itong babaitang itong.
Susunod na sana ako ng biglang may humarang sa daan ko, tiningala ko kasi aag tangkad niya. Nanlamig ang buong katawan ko ng mag tugma ang mga mata namin, napalunod din ako ng malapot dahil sa lalim ng pag tingin niya.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang baba at kita ko ang pag ngit niya, tinakpan ko ang katawan ko na parang sinasabing wag po. Nag lakad na siya papasok don sa pinag uusapan lang namin ni 3lla.
"sino iyong mala demonyo ang suot pero ang gwapo❞tinignan ko si ella, anbilis naman niyang maka lapit saakin.
"
'yaan mo yan, tara na kasi gagabihin pa tayo lalo" nag lakad na kami palayo pero nilingon ko muna at kita ko ang pag alalay nila sa lalaki na akala mo pprinsipe o ganun lang talaga pag papasok ka sa ganung lugar parang na curious din tuloy ako kung ano ba ung lugar na iyon.
Nakauwi n ako at ang gulo at ingay ng bahay, sila kiera at aira kasi nag tatalo nanaman tapos ang lakas ng t. v dahil nanuuod ng basketball si papa. Ganun kasi siya pag nanununod ng game, pag sa ganung panuod lang naman. "tumigil na kayo diyan, mag jack en poy na lang kayo para tapos na" utos ko sa kapatid ko at ginawa naman nilaa, tapos agad ang ingay nila.
Nag palit na ako pumunta sa kusina, nakita ko si mama na problemado habang naka tingin sa mga bayarin. Tinignan ko isa isa, bayaran nanaman pala kaya ganito na lang itsura ni mama.
"kailangna kong ma doble kayod lalo pat magsasara na ung kompanya na pinag tra-trabahuan ng papa mo. Mahihirapan pa yan na makakuha ng trabaho ngayon" sabi niya.
"pwede naman po akong mag trabaho na dahil 18 na ako, kahit part time lang" sabi ko, tinignan niya ako
"sigurado ka ba?? Hindi ka ba mahihirapan??" umiling ako.
" 6 pm naman matatapos klase ko tapos mag papart time ako ng 3 to 4 hours kaya sabihin niyo na andito na ako ng 11pm at may tulog parin naman ako dahil alas otso naman ang pasok ko. pwedeng si papa naman muna ang mag hahatid at sunod sa dalawa" sabi ko, tumango tango si mama.