Chapter CHAPTER 20: Handsome
CHLOE
Tapos na ang klase kaya bakasyon na, iniisip ko na tutulungan ko sila mama habang wala pa akong pasok. Sa gabi naman ang trabaho kaya okay lang naman, napasarap ang tulog ko kaya anong oras na ako nagising. "ate may gwapo sa labas at todo interview sila mama sakanya" kumunot ang noo ko, lumabas ako ng walang hila-hilamos at nakita ko si zayn? Ano naman kaya ginagawa niya dito.
" excited much anak at hindi ka pa nanalamin bago ka man lang lumabas ng kwarto❞sabi ni mama.
" anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay zayn.
"lalabas tayo diba??" kumunot ang noo ko.
"with ella and kaye' dugtong niya, huh?? May usapan ba kami?? Napapaisip ako habang naka tingin sa mukha niya, ohhh bakit ang gwapo niya.
"anak" napa tingin ako kay mama.
"ah opo, nakalimutan ko. Napasarap ung tulog ko at hindi ko naisip na may lakad pala kami" ngumiti ako.
"maligo kana at mag palit o balak mo pang tumitig na lang diyan" kita ko ang pag ngiti ni zayn, si mama masyadong prangka.
66
saglit lang ako" paalam ko, nag madali na akong pumasok sa banyo.
Matapos kong maligo ay nag palit na ako, hindi na ako namili ng damit pa dahil bagay ko naman ang lahat ng isuot ko. Nag cream lang sa mukha tsaka light na lipstick, okay na!!! kahit ganito ay maganda na ako at kalingon lingon hahaha! "tara?" tumango siya at tumayo na.
" mauuna na po kami, salamay po sa pag payag" sabi ni zayn, tumango sila.
Lumabas na kami ng bahay at kita ko ang sasakyan ni zayn na naka park at kumakaway doon si eella, so talagang may lakad kami? Sa pagkakaalam ko talaga ay wala kaming usapan.
ang tagal mo, isang oras na kaming naghihintay sayo" sabi ni unat.
"anong malay ko na may lakad tayo??" sabi ko.
" tara na nga baka tanghalian na tayo makarating don" pinag buksan ako ng pintuan ni zayn kaya pumasok na ako.
"saan ba tayo pupunta?" tanong ko,
"basta, pang paalis ng stress sa buhay" sagot ni unat.
Nanahimik na ako at hintayin na lang na makarating kami kung saan man kami pupunta, ilang oras din ang biyahe namin at nagugutom na ako tsaka ang init ggrabe
"malapit na ba tayo?" tanong ko.
"malapit na, chill ka lang" tinignan ko ung dalawa sa likod na komportable sa pagkakaupo, kailan pa sila naging ganito ka close?? Sabagay kami nga naman ni zayn close pero hindi ung ganyan na naka patong ang ulo sa balikat ni kaye. ang harot ella "sita ko, napa lingon saakin at umayos.
"ito naman ang kj, sandal lang ih" siningkitan ko siya ng tingin at ngumiti siya, umayos na siya ng upo..
Ilang minuto pa ay nakarating na kami, mag be-beach lang pala, sakto ang init ng panahon... nanlaki ang mata ko beach? Wala akong dalang damit.
" hahaha ngayon lang niya naisip na wala siyang dalang damit" pang aasar ni unat.
"di niyo sinabi na mag dala man lang ng damit" ang init init kaya tsaka ang lapot na ng pakiramdam ko
66 'ano ka ba, hindi lang iikaw. Sabi ni zayn bibilhan na lang tayo tsaka tatlong araw lang naman tayo dito" bumaba na siya at nilingon ko si zayn, tsk!!!
"bakit di ka man lang nag pasabi, sayang ang pEra"sabi ko sakanya.
"
nag sabi ako, sa magulang mo nga lang" sagot niya, inirapan ko siya.
Nauna na siya kaya sumunod ako, andami naming madadaanan na mga stall bagp maka punta sa hotel kung saan kami tapos malapit lang din ung beach kaya ang saya. Nakita ko sila ella at kaye na namimili, tinignan ko si zayn na tumitingin tingin din.
"hanap kana" sabi niya, tumingin naman ako at inuna ko ung undies. Nahihiya pa nga akong piliin ung size ko kasi andiyan siya.
Bahala na, kumuha na lang ako ng anim na set tapos pumunta na ako para mamili naman ng damit, may kinuha siya tapos iniabot saakin. Flowy type tapos may slit, maganda naman.
"its looks good to you" sabi niya pa, ibinigay niya saakin tapos namili pa ng iba.
Teka, diba tatlong araw lang? Bakit naman andami nitong damit at talagang siya pa ung namili at hindi na ako. Naka sunod lang ako ng huminto siya sa isang sexy na damit, tumingin saakin tsaka isununod ung damit tapos napa ngiti. "not good" sabi niya sabay lakad palayo, nang iinsulto ba siya o hindi?? Maganda ung damit pero napaka sexy, kung isusuot ko man yan ay maganda saakin kaya paanong not good.
Hindi ko na lang pinansin at sumunod sakanila, nakarating na kami sa hotel at nag check in na. Magka hiwalay ang room namin ni ella at mas okay iyon, pumunta na kami sa room namin at hindi mag kalayo ung room namin sa room nila. "pahinga na muna kayo, mayang gabi na tayo mag kita. Mag papataas ako ng food niyo for lunch okay?" sabi ni zayn, tumango ako at pumasok na kami.
"wowwww ito ung dream ko na kahit papaano ay maka bakasyon man lang tayo ng ganito" sabi niya, totoo ganun din ang gusto ko ung maka bakasyon ng ganito dahil nakaka pagod ang mga problema ng bigla kong naalala si freed. "ella ung trabaho natin❞ napa tingin siya saakin.
"tawagan mo dali" sabi niya, kinuha ko ung phone ko at dial number niya.
"hello?" tanong niya sa kabilang linya.
"ahm freed---"
"Alam ko, kasama mo siya tama at naka bakasyon kayo?? Okay lang, hindi yan big deal at kung kasama niyo man sila ella ay okay lang din❞ tinignan ko si ella.
"
ay salamat, akala ko kasi ay magagalit ka" sabi ko.
okay lang, sige na ienjoy niyo. Bye" binaba na niya ang phone.
"okay lang daw at ienjoy natin" sabi ko, lumawak ang ngiti niya.