Chapter CHAPTER 26: The Girl
ZAYN
May kakaiba talaga akong nararamdaman sakanya simula ng makita ko siya, hindi ko nga alam kung bakit. Kaibigan ko siya sabi ni kaye pero bakit hindi same feeling ung nararamdaman ko sakanila, may iba kayang rason. Papunta ako sa kompanya ngayon, kahit wala akong alaala tinutulungan naman ako ni tito at paunti unti ay nakakasanayan ko na. Nakakairita ung traffic basta ganitong umaga, tinignan ko ung orasan ko at late na ako. " ang tagal naman" sabi ko mag isa, palinga linga ako ng may mapansin akong tingin ng tingin ng mga sasakyan? Si chloe, binusinahan ko at napansin niya ako.
PApalapit na siya at sumilip, nginitian ko siya. Binuksan ko ung door at pumasok siya, tinignan niya ung orasan na niya mukhang malalate na din siya.
"late kana?" tumango siya.
"ako rin, grabe naman kasi itong traffic na ito" hindi siya mapakali.
Ilang minuto pa ay hindi parin umaandar, napa sandal na lang kaming pareho ng nag ring ang phone ko. Sinagot ko, si tito at tinatanong ko nasaan na ako. "traffic tito, huh???!!!"
ngayon na??!!"
"okay okay" binaba ko na ung phone ko.
" dahil late ako sa meeting ko, need ko daw sumunod don sa rest house ng ka meeting ko❞ nilingon ko siya na hawak hawak din ang phone niya.
"wala na din, umalis na ung mag iinterview saakin para sa school ng abroad" sabi niya, sumimangot siya.
"haaayyyyy mukhang hindi talaga para saakin" dugtong niya.
"so wala kana lakad?" umiling siya.
"samahan mo ako sa ka meeting ko" kumunot ang noo niya.
"hindi ako pamilyar sa lugar kaya baka sakaling matulungan mo ako??" napa isip muna siya.
"okay sige, wala naman akong gagawin na" sagot niya.
Doon pa lang umandar ang traffic, sa wakas halos oras na din naming naghihintay. Tahimik lang kami habang sinusundan ko ung waze para sa pupuntahan namin, sinilip ko saglit ung orasan ko. "kain muna tayo??"
Sige, nagugutom na din ako" sagot niya, nag hanap ako ng makakainan naming dalawa.
" table for two" sabi ko, naka hanap na kasi ako ng makakainan namin.
Umupo na kami at binigyan kami ng menu, nag hanap kami ng oorderan namin. Nauna siyang nag sabi ng order niya bago ako, pareho kaming kumuha ng halo halo dahil ang init.
" malapit na kaya tayo?" tanong ko.
"hmm, mga dalawang oras na lang" sagot niya, napa ngiti ako.
"malapit na iyon? Dalawang oras? Ang layo pa" sabi ko.
"malapit lang" sabi niya.
"malayo pa nga" sagot ko, hindi na siya sumagot.
"chloe" nilingon niya ako.
"bakit gustong gusto mong pumunta sa abroad??" tanong ko.
"siguro kasi pangarap ko at para na rin makalimot" kumunot ang noo ko
"makalimot saan?" tanong ko.
"makalimot sa mga pangyayari" seryoso niyang sabi habang naka tanaw sa malayo.
"bakit gusto mong kalimutan?? Ako nga gusto kong ibalik pero malabo na, pakiramdam ko tuloy para akong bagong silang kasi pag gising ko wala akong ni isang mahal sa buhay, mas malala pa sa bagong silang pala kasi ang bagong silang may magulang at may mga taong mahal na siya habang ako patay na magulang ko wala pang gf na nag mamahal saakin"
"I feel empty, ang hirap punan ang nakaraan" naka tingin siya saakin.
"wag mo ng punan ang nakaraan, gumawa ka na lang ng mga bagong ala ala na maari mong balikan pagka tanda mo. Siguro it's a way na dapat mo nganng makalimutan ang nakaraan dahil hindi magaganda iyon" sabi niya. "kung ako din naman mas gusto ko ng makalimutan ang nakaraan kung ito ay nag bigay saakin ng sobrang sakit" dugtong niya.
"kaya ba gusto mong lumayo dahil nasaktan ka ng sobra?" nagtitigan kami.
" siguro dahil kapag nakikkta ko ung taong iyon naaalala ko ung mga nangyari at naaawa ako sakanya sa nakikita kong kalagayan niya kaya gusto kong lumayo" sagot niya, bakit para saakin ung sinasabi niya?? "kung bibigyan ka ng kahilingan, ano ang sasabihin mo sa taong iyon?" tanong ko.
"siguro.... Wag niya ng pilitin pang ibalik ang nakaraan" sagot niya, dumating na ung order namin para maputol ung pag uusap namin.
Kumain na kami ng tahimik pero napapa isip parin ako sa sinabi niya kanina, natapos na kami at naka pagbayad na ako. Paalis na kami ng bigla siyang tumigil, hinarap niya ako.
"sa iba na tayo dadaan" kumunot ang noo ko.
pero dito---"
"dali na----"
"hi baby girl, bakit lagi tayong pinagtatagpo?" tinignan niya ako, kumunot ang noo ko ng tinignan ko si chloe na masama ang tingin.
"zayn, kamusta? Iba ka din at hindi mo parin talaga pinapakawalan si chloe. Ilang inches ba yang sayo at hirap ang mga babaeng iwan yan?!" sabi niya, sino ba ito? Kilala niya ako at bakit ganito siya maki pag usap.
" tara na zayn" hinila niya ako palabas at nilampasan namin ung lalaki na todo ang ngiti, sumakay na kami sa kotse at nilingon ko si chloe.
"sino siya?" tanong ko.
" isang mamamatay tao kaya lumayo ka sakanya ka pag nagkita kayo" seryoso niyang sabi, hindi na ako nag tanong dahil halatang ayaw niya ng pag usapan.
Nakarating na kami sa wakas, pinapunta muna kami sa room namin at dahil hindi niya alam na may kasama ako ay iisa lang itong room na binigay.
"ako na lang sa sofa at ikaw sa kama" sabi ko.
"ako na lang sa sofa kasi maliit ako, ikaw na matangkad doon sa kama. Sanay naman na din ako sa masikip na kama" sabi niya.
"no I can----"
"
sige na, wag na natin pag talunan" pumunta na siya sa may sofa at inilapag ang bag niya, nag lakad siya papunta balkonahe. "wow ang ganda naman dito" ang ganda nga, talagang rest house.